Teacher Georcelle explains Kim Chiu's dance fail on ASAP: "It was just a bad recovery."

IMAGE Screengrab from ASAP (left)/Nerisa Almo (right)

G-Force head Georcelle Dapat-Sy welcomes criticisms especially when her group failed to execute dance moves. "This is a reminder that, hey, we cannot be complacent to all the process. Nangyayari ito, so next time, we know better," she says.


“It wasn't a fall. It was just a bad recovery.”

Ito ang paliwanag ng celebrity dance choreographer na si Georcelle Dapat-Sy tungkol sa naging viral na failed dance move ni Kim Chiu sa ASAP noong Pebrero.

Hindi naiwasan matanong si Teacher Georcelle tungkol dito nang bisitahin ng ilang reporters, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang bagong G-Force Dance Center sa Alabang noong Linggo, April 15.

Ayon sa kilalang dance choreographer, “It became a bad transition kasi hindi pantay yung acrylic, hindi pantay ang pagkakagawa.

“Pero sabi ko nga, had it been a good form, kung mayroon mang mahabang ensayo, hindi mangyayari yun.

"I mean, sino ang may gustong mangyari yun?”

Sa pagkakataong ito, inilahad ni Teacher Georcelle ang istorya sa likod ng hindi magandang execution ng dance move ni Kim sa production kasama sina Yassi Pressman, Aaron Villaflor, at Enzo Pineda.

Aniya, “Actually, na-brought up na naman 'yan kasi mayroon siyang birthday prod, binigyan ko siya ng naka-suspend na bar.

“You know, with Kim Chiu, you really have to give her something special at saka mga death-defying acts, namarkahan na niya yun, e, sa ASAP.

“Yung mga nangyari na yun, we really can't explain it, di ba?

“Kumbaga, kapag nangyari yun, we cannot really explain it right away.

"But there is a process, maraming process."

LAST-MINUTE PROBLEM. Sa partikular na insidente, sinabi ni Teacher Georcelle na nagkaroon ng last-minute problem sa acrylic props na gagamitin para sa dance production.

“Yung acrylic kasi came in Friday, which is tama lang naman, kasi Friday talaga nag-i-start ang rehearsal namin.

“Friday, they worked on the piyesa, they rehearsed, it was okay.

“Come Saturday evening, nabali... Saturday evening.

"Then, we have to call the supplier, e, Sunday, closed.

“Sunday, so lahat tinawagan na, lahat ng resources, sino puwedeng mag-supply nito.

“Then, I asked what time, kasi mag-o-open daw ang supplier ng 8 o'clock [in the morning].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There's one na meron sa bodega so, 'Game, get them both.' So, naka-standby dalawa.

“Noong dumating na, nasa gap 3 kami.

“Nagba-blocking kami sa studio, wala yung acrylic, wala kaming props, wala.

“Noong dumating, wala, madya-jumble talaga, e.”

Dahil sa nangyari sa props, napilitang baguhin nang bahagya ang dance moves.

“It was supposed to be a back walkover.

"A back walkover is a movement where a dancer does a bridge first then, magpi-flip na yung dalawang legs.

“May help yun, in-assign natin ang artists.

“Okay ang rehearsal, pero pagdating back walk, because the acrylic na nire-rehearse namin ay hindi masyadong makapit, I had to revise it.

“I had to adjust, 'Kim, do not do it anymore, we don't have time.'

“I asked the choreographers to adjust the movements.

“What we did was just a fall, tutulungan siya then, hihilahin siya.”

Aminado si Teacher Georcelle na dahil walang nang sapat na oras para maensayo ang bagong move, hindi naging maganda ang kinalabasan nito.

“Had it been like this, the form of her legs were like this [shows formation of legs], it will not be that ugly, it will not look like na parang bumagsak siya, no.

“Kung na-rehearse namin nang maayos and naka-close ang legs niya... Mako-close ang legs niya kung na-rehearse namin nang maayos. We really lacked time.”

Sabi pa niya, “When you do a live show, it's really challenging.

“Those are the things na nangyayari during the live show.

“Those are the things that people cannot understand.

“We have to explain ourselves to every person. Those are the things that they cannot really understand.”

NEGATIVE COMMENTS. Dahil sa nangyari, umani raw ng batikos ang dance group ni Teacher Georcelle, ang G-Force.

Pahayag niya, “I feel sorry for the show na nabe-blame.

“I also feel sorry for the followers of Kim, na nagagalit sila, 'Sino ba naman ang hindi magagalit, hindi niyo inaalagaan yung princess namin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But you know what, we take care not just Kim, but all the artists, just for the record."

Nilinaw rin niyang pagkatapos ng performance, '[Kim] wasn't even in pain after the performance.

"Of course, social media will make it [a big issue] at saka sensationalized na."

Pero hindi rin daw nila ito basta-basta binabalewala.

Sa halip, sabi ni Teacher Georcelle, “This is a reminder that, hey, we cannot be complacent to all the process. Nangyayari ito, so next time, we know better.”

Ang isyu raw na ito ang pinakahuling insidente na naging sanhi ng pamba-bash sa G-Force.

Pero sa halip na mag-react, sabi ng celebrity choreographer, “Siyempre, we have to discuss it. I gather all the facts first.

“Ma-identify naman namin kung it's just bashing, e. We have a monitoring team for that.”


Stories We Are Tracking

Kim Chiu falls on <em>ASAP</em> stage for the third time
Kim Chiu falls on ASAP stage for the third time
Kim Chiu explains story behind third fall on <em>ASAP</em> stage
Kim Chiu explains story behind third fall on ASAP stage


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN