Yves Flores denies crush on Maris Racal: "Hindi ko nakikitang magiging kami."

IMAGE Jerry Olea

Yves Flores on Hanggang Saan co-star Maris Racal: "Hindi ko nakikitang magiging kami. Parang ganun. Tropa talaga, e."


“Echoserang babae po ‘yan!”

Patungkol iyan ni Yves Flores sa co-star na si Sue Ramirez sa finale presscon ng teleseryeng Hanggang Saan nitong Abril 17, Martes, sa ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, Quezon City.

Ang sigaw kasi ni Sue, crush ni Yves ang katambal na si Maris Racal.

Tawa nang tawa si Maris habang nagpapaliwanag ang katabing si Yves.

Sabi ng dating Pinoy Big Brother Teen housemate, “Lahat ng nakakasama kong babae, sinasabi niyang crush ko raw. Kahit sino! Ganyan po si Sue!”

Lalong tinudyu-tudyo si Yves sa harap-harapang pagde-deny kay Maris.

Pagpapatuloy ng 22-anyos na aktor, “Gusto kong sabihin na nagpapasalamat ako sa lahat ng fans na sumusuporta sa amin kahit hindi kami yung talagang love team.

“May love team talaga si Maris. Ako naman, wala akong love team talaga.

“And natutuwa ako na kahit paano, may mga taong kinikilig sa amin.

"May taong sumusuporta sa amin kahit alam nilang..."

Crush niya si Maris?

Napatungo si Yves, at napailing.

Crush ba niya talaga si Maris?

Matamang pahayag ni Yves, “Di ko alam kung saan galing iyong sinasabi ni Sue...

"Si Maris po, kaibigan ko po si Maris.

Bloody Crayons pa lang, magkasama na kami. Doon nagsimula ang relationship namin as magkaibigan.

“And doon kami naging close talaga. 'Tapos dito, magka-love team kami, kaya mas lalong lumalim yung pagkakaibigan.”

Ayaw pasakayin o paasahin ni Yves ang fans na kesyo may crush siya sa ka-tandem, na nali-link kay Inigo Pascual.

“Wala akong crush kay Maris,” kaswal pang sambit ng binata, na limang taon nang nag-aartista.

“Si Maris kasi, hindi ko nakikitang magiging kami. Parang ganun. Tropa talaga, e.

“Pero minsan, nag-aasaran kami. ‘O, sige, hindi man tayo maging tayo sa mundo, pero sa langit, maging tayo.’ ‘Oo, sige.’

“May ganun. Pero huwag dito sa mundo. Basta, magkaibigan talaga kami.

"Kumbaga, kung magiging kami man, parang magtropa pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayaw naming masira ang pagkakaibigan namin.

“Inaasar lang ako... echosera lang si Sue talaga.”

NO CRUSH FROM SHOWBIZ. Sino ang crush niya?

Tugon ni Yves, “Sa showbiz? Wala. Wala akong crush sa showbiz.

"Mas gusto ko, non-showbiz girl. Mas gusto ko ng tahimik na buhay.

“Alam mo naman, ang daming tsismis. Ayoko ng ganun.

"Ayokong pinapakialaman ang personal life ko.

“Siguro, dati, noong bata pa ako, may mga crush ako sa showbiz. Sina Kim Chiu, Angel Locsin...

"Pero ngayon, tumanda na ako... wala, wala.”

Kagagaling lang niya sa isang relasyon, at busy siya sa work.

Nagkahiwalay sila ng kanyang girlfriend dahil wala siyang oras para rito.

Iyong ibang mas bata kay Yves, nakakabuntis...

“Hindi ko alam yun,” napangiting pag-iwas ng young actor. “Bata pa kasi ako.”

Nag-iingat ba siya?

“Nag-iingat ako. Hindi ko ginagawa yun,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN