Paolo Ballesteros stands firm that no one has the right to out someone

IMAGE Bernie Franco

Paolo Ballesteros stresses that society should not dictate a gay person to come out. "It's your own choice kung gusto mo; if you're going out, if you want to be out, or not." 


Naninindigan si Paolo Ballesteros na walang sinuman ang may karapatang pilitin ang isang tao na magladlad o mag-out sa kanyang tunay na sexual orientation.

Ito ang nilalaman ng statement ng Eat Bulaga! host sa Facebook blog ni Maine Mendoza na "Humans of Barangay" kamakailan.


Stories We Are Tracking

Paolo Ballesteros speaks up about coming out
Paolo Ballesteros speaks up about coming out

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Paolo, ipinaliwanag ng actor-TV host kung paano siya tinanong ni Maine tungkol dito.

Magkasama ang dalawa sa “Juan For All, All For Juan” segment ng GMA-7 noontime show.

Saad ni Paolo, “Ang tanong niya kasi sa akin dun, kailan ba tamang mag-out yung taong hindi naman out?

“Sabi ko nga, it’s a choice, e.

"Hindi lang yun choice, it’s your choice, it’s your own choice kung gusto mo—if you’re coming out, if you want to be out, or not."

Hindi raw ang lipunan ang magdidikta kung kailan dapat mag-out ang isang tao.

Hindi rin daw ang lipunan ang magdedesisyon kung ito ang magpapasaya sa iyo.

“Minsan, parang ganun yung feeling na, sige, mag-out ka para mas masaya, para huwag ka nang magtago, ganyan-ganyan…

“E, malay mo naman, masaya naman siya.

“Sino ba nagsabi na hindi siya masaya?

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Paolo sa shooting ng My 2 Mommies, ang upcoming movie ng Regal Entertainment, Inc. na pinagbibidahan nila ni Solenn Heussaff.

Ginanap ang shooting sa Antipolo, Rizal nitong Martes, April 17.

ON SOCIAL MEDIA. Naniniwala rin si Paolo na dapat maging responsable sa pagpu-post sa social media at maging handa sa reactions ng netizens.

Saad niya, “Yun yung medyo negative side ng social media pag meron kang account, meron kang IG.

"Parang you’re letting them to comment on you, whether it’s bashing or praises.

“Ikaw yung unang nagbigay sa kanila ng way kasi ikaw yung nag-post.

“Otherwise, kung ayaw mong mangyari sa ‘yo yun, hindi ka magpu-post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang problema kasi sa atin, masyado tayong maraming alam, ang mga Pinoy, ang dami nating say, ang dami nating kuda.

“Ako kasi, naniniwala na if you don’t have anything good to say, then just don’t say it or keep [it] to yourself, kasi wala namang maitutulong yun, e.

“Kaya kapag merong negative na mga comments, deadma lang, kasi that’s part of it, hindi mo matatanggal yun.”  

Lumikha ng ingay si Paolo noong 2017 nang mag-post siya ng mga larawan sa Instagram ng kanyang ex-boyfriend.

Kadalasan din ay gumaganap ng gay roles si Paolo sa kanyang acting projects.

Sa latest film niyang My 2 Mommies, gaganap siyang discreet gay na nalamang may anak sa dating kaibigan na ginagampanan ni Solenn.

Kasama rin sa pelikula sina Maricel Soriano at Joem Bascon. Mula ito sa direksiyon ni Eric Quizon.

Ipalalabas ang pelikula simula sa May 9.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN