Cai Cortez, Kakai Bautista react to Franco Mabanta's fat-shaming post

IMAGE Instagram photo of Franco Mabanta (main)/Twitter post of Kakai Bautista (inset)

Kakai Bautista calls out social media strategist Franco Mabanta (in photo) for his fat-shaming post: "Hindi man po kame kasing slim at fit nyo, hindi ibig sabihin na pinapabayaan na namin sarili namin. WAG GANUN."


Kabilang ang ilang showbiz personalities sa mga bumatikos sa fat-shaming post ni Franco Mabanta, political analyst at social media strategist ni Bongbong Marcos.

Nitong mga nakaraang araw ay naging usap-usapan sa social media ang post ni Franco sa Facebook noong April 8.

Dito ay sinabi niya, “After long and thorough thought, I've decided that I'm 100% in favor of fat-shaming.

“I think the world would be a better place if all these weak minds that are captive to their bad food habits were constantly told to get off their fucking couches and stop being little bitches.”

Diin pa niya, “Nothing motivates people to get into shape like insecurity.”


Burado na ang post na ito sa Facebook account ni Franco.

Ngunit sa kaparehong post niya sa Instagram, mapapansing edited na ang caption sa larawan niya.

Ani Franco, “Go to the gym. Eat better.”

Go to the gym. Eat better. ????‍??????

A post shared by Franco Cruz Mabanta (@franco.mabanta) on

Isa sa mga naunang pumuna sa post ni Franco ang kasama niya sa larawan, ang bodybuilder at celebrity fitness trainer na si Thistle Guevarra.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, nilinaw ni Thistle na hindi siya pabor sa fat-shaming post ni Franco.

Simpleng “gago” naman ang naging reaction ng aktres na si Cai Cortez sa statement ni Franco.

“No to body shaming” naman ang reaksiyon ni Kakai Bautista sa isyung ito.

Sa kanyang Twitter account, isang mensahe ang ipinarating ni Kakai para kay Franco:

“Hindi man po kame kasing slim at fit nyo, hindi ibig sabihin na pinapabayaan na namin sarili namin. WAG GANUN. @FrancoMabanta baka mauna kapa nga saken kase maraming gusto ngayon na daganan ka. KEME. ”

Mensahe pa ni Kakai para sa kanyang followers, “We all go through a lot of pressure everyday.

“We deal with different kinds of issues every minute.

“We keep on fighting and we all need that beautiful motivation from the world that we don’t often get.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But we have ourselves to believe that we nontheless SPECIAL.”

Halos ganito rin ang naging opinyon ng direktor na si Quark Henares.

Aniya, “Guys fat shaming is bad. Better to go after worse things. Like...you know. Rapists.”

Ayon naman sa Respeto actress na si Chai Fonacier, “Franco Mabanta, now a physical and mental health expert, cites weakness as sole reason for being overweight.

“He didn't use the internet (w/c he tells people to use for diet and exercise) to research further, relies on "thorough thought.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN