Is Mark Herras still in contact with his daughter?

IMAGE Mark Atienza

Hindi nagbigay ng mahabang detalye si Mark Herras kung bakit matagal na niyang hindi nakikita ang kanyang anak na si Ada.


Matagal-tagal na raw hindi nakikita ni Mark Herras ang kanyang anak na si Ada Sofia Nicolette Herras.

Si Ada, 4, ay anak ni Mark sa dati niyang personal assistant na si Diane Evangelista.


Ayon sa 31-year-old Kapuso actor, ayaw na niyang magbigay ng mahabang detalye sa isyu, pero nami-miss na raw niya ang anak.

“It’s a personal issue lang na hindi na kailangang i-share sa lahat ng tao,” sabi ni Mark nang mausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media conference ng upcoming prime time series ng GMA-7 na The Cure.

Pinagbawalan ba siya ng ina ng bata na makita ang kanyang anak?

Tugon ni Mark, “No, no, no. I don’t wanna say anything about her. I don’t wanna say anything to her.

"Basta ako, I’ll just do my part... kumbaga, kaya ko namang suportahan yung bata.

"So, dun muna ako mag-stick, yun muna yung gagawin ko.”


Stories We Are Tracking

Mark Herras denies fathering secret love child
Mark Herras denies fathering secret love child
Mark Herras admits fathering baby girl
Mark Herras admits fathering baby girl
Mark Herras says daughter inspires him more to work harder
Mark Herras says daughter inspires him more to work harder


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN