May pa-love life si Mayor: 5 female celebs who are in love with town and city mayors

IMAGE Noel Orsal (Kris, Aiko, Ara) / PR Photo (Bianca, Nina)

Si Kris Aquino ay naikabit sa pangalan ng tatlong mayor, si Aiko Melendez ay nakarelasyon naman ng dalawang alkalde, samantalang sina Ara Mina, Bianca Manalo, at Niña Jose ay tig-iisa. 


Hindi na bago ang paghahalo ng mundo ng showbiz at pulitika, at madalas ito ay dahil sa pag-ibig.

Si Aiko Melendez ang pinakabagong aktres na umaming ang kanyang bagong boyfriend ay isang mayor—si Mayor Jay Khonghun ng Subic, Zambales.

Pero hindi si Khonghun ang unang mayor na nakarelasyon ni Aiko.

Noong taong 2007 ay nakarelasyon niya ang mayor ng Bulacan, Bulacan na si Patrick Meneses.

Noong nagkahiwalay ang dalawa, ikinagulat ng marami na ang kaibigan ni Aiko na si Ara Mina ang naging girlfriend naman ni Mayor Meneses.

Kamakailan naman ay nakilala ng publiko si Mayor Jonathan Tan ng Pandan, Antique, ang nobyo ng beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo.

Noong 2017, ikinasal naman sa simbahan ng Bayambang, Pangasinan ang dating Pinoy Big Brother Teen housemate na si Niña Jose sa mayor ng nasabing bayan na si Cezar Quiambao.

Ngunit wala na sigurong tatalo sa buhay pag-ibig ni Kris Aquino dahil sa tatlong alkaldeng naikabit sa kanyang pangalan.

Ito ay sina former Parañaque City Mayor Joey Marquez, former Makati City Mayor Junjun Binay, at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Ano ba ang mayroon kay Mayor at napaibig nila ang ilan sa mga aktres na ito?

Nakakahumaling nga ba kung magmahal si Mayor?

Wika nga nila, may pa-love life si Mayor!

Narito ang mga aktres na nagkaroon ng kaugnayan sa mga alkalde:

AIKO MELENDEZ. Pebrero 2011 nang kumpirmahin ni Boy Abunda, sa defunct showbiz talk show nitong Showbiz News Ngayon (SNN) sa ABS-CBN, na tinuldukan na ng kanyang alagang si Aiko Melendez ang relasyon nito kay Mayor Patrick Meneses ng Bulakan, Bulacan.


Lagpas apat na taon ding tumagal ang relasyon nila, ngunit nauwi ito sa demandahan.

Abril ng kaparehong taon, sinampahan ng alkalde ang ex-girlfriend ng kasong Violation of Article 353 of the Revised Penal Code—o libel—sa Malolos Regional Trial Court.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kasunod ito ng Twitter post diumano ni Aiko kung saan parang pinagduduhan niya ang pagkalalaki ng ex-boyfriend.

Na-dismiss ang kaso noong Nobyembre 2011.


Stories We Are Tracking

Aiko Melendez, Ogie Diaz, et. al.’s libel case filed by Mayor Patrick Meneses to proceed with preliminary investigation and reinvestigation before DOJ
Aiko Melendez, Ogie Diaz, et. al.’s libel case filed by Mayor Patrick Meneses to proceed with preliminary investigation and reinvestigation before DOJ
Aiko Melendez confirms dismissal of libel case filed against her by ex-boyfriend Mayor Patrick Meneses
Aiko Melendez confirms dismissal of libel case filed against her by ex-boyfriend Mayor Patrick Meneses

Isang taon pagkatapos ng kanilang hiwalayan, umugong naman ang balitang si Ara Mina na diumano ang bagong girlfriend ni Mayor Meneses.

Ngunit deadma lamang si Aiko rito.

May iba pang mga naging karelasyon si Aiko, ngunit hindi rin ito nagtagal.

Nitong Marso 31, 2018 lamang, eksklusibong inamin ni Aiko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang relasyon nila ni Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun.


Si Mayor Jay ay hiwalay sa asawa at mayroon silang isang anak.


Stories We Are Tracking

Subic mayor denies involvement of Aiko in his separation
Subic mayor denies involvement of Aiko in his separation
Aiko Melendez confirms relationship with Subic mayor
Aiko Melendez confirms relationship with Subic mayor

 

ARA MINA. Taong 2012 naging pormal ang relasyon nina Ara Mina at Mayor Patrick Meneses.


Naging kontrobersiyal ang relasyon ng dalawa dahil lalo itong nagpalalim sa hidwaan ng dating magkaibigang sina Ara at Aiko.

Matatandaang bago pa man naugnay kay Mayor Meneses, naging karelasyon din ni Ara ang ex-husband ni Aiko na si Jomari Yllana.

Kaya nga nabansagan si Ara noon na "tagasalo" ng mga iniwan ni Aiko.


Nagbunga ng isang anak na babae ang relasyon nina Ara at Mayor Meneses—si Amanda Gabriel, na ipinanganak ng aktres noong 2014.


Ngunit noong Abril 2015, naghiwalay ang dalawa sa hindi pa malinaw na dahilan.


Stories We Are Tracking

<p>Ara Mina and Mayor Patrick Meneses split?</p>

Ara Mina and Mayor Patrick Meneses split?

<p>Ara Mina admits relationship problems with Mayor Patrick</

Ara Mina admits relationship problems with Mayor Patrick


Nangyari ito isang buwan matapos nilang pabinyagan ang kanilang anak.


Hanggang ngayon, nananatiling magkaibigan ang dalawa kung saan gusto ng alkalde na magkaroon ng isa pang anak kay Ara rin.



Stories We Are Tracking

Is Ara Mina willing to have another baby with Mayor Patrick?
Is Ara Mina willing to have another baby with Mayor Patrick?
Patrick Meneses willing to have another baby with Ara Mina
Patrick Meneses willing to have another baby with Ara Mina

NIñA JOSE. Usap-usapan naman sa social media ang kasalang naganap noong Nobyembre 17, 2017 sa pagitan ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 housemate at FHM cover girl na si Niña Jose at sa alkalde ng Bayambang, Pangasinan na si Cezar Quiambao.




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una nang ikinasal sina Niña at Mayor Quiambao sa isang civil ceremony noong Enero 2017.

Halos doble ang edad ng napangasawa ni Niña, na 29-anyos lamang.

Wala naman daw problema sa alkalde ang agwat ng kanilang edad.

Ayon sa posts sa social media ng mga taga-Bayambang, masaya na raw ang buhay ngayon ni Niña bilang ‘mayora’ ng kanilang bayan.


Bukod sa pagiging first lady, si Niña rin ang chairperson ng Local Council of Women (LCW) sa Bayambang, kung saan iba’t ibang proyekto ang pinamamahalaan nito.

Si Mayor Quiambao ay bilyonaryong negosyante na nagmamay-ari ng Stradcom Corporation, isang information technology company.


Stories We Are Tracking

Niña Jose weds billionaire mayor for the second time
Niña Jose weds billionaire mayor for the second time
Niña Jose now married to a billionaire politician
Niña Jose now married to a billionaire politician

BIANCA MANALO. Hindi naging hayag sa publiko ang relasyon ni Bianca Manalo sa mayor ng Pandan, Antique na si Jonathan Tan.


Mukhang bago rin lang ang relasyon nila dahil kakahiwalay lamang ni Bianca sa Brazilian-Japanese model-actor na si Fabio Ide kalagitnaan ng taong 2017.


Nabunyag lamang ang relasyon nina Bianca at Mayor Tan nang lumubog ang sinakyan nilang speedboat umaga ng Huwebes Santo, Marso 29.


Papunta sana ang grupo nina Bianca, Ehra Madrigal at asawa nitong si Tom Yeung, sa Mararison island, isa sa mga sikat na isla sa Antique.

Namatay ang pinsan at bodyguard ni Mayor Tan na si Bernie Dable sa insidente.


Stories We Are Tracking

Mayor Jonathan Tan tells how they survived boat accident
Mayor Jonathan Tan tells how they survived boat accident
Bianca's mayor BF relates rescue efforts after boat accident
Bianca's mayor BF relates rescue efforts after boat accident
Bianca, Ehra among survivors of boat capsize accident
Bianca, Ehra among survivors of boat capsize accident

Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita ang dalawa kung paano sila nagkakilala at kailan pormal na nagsimula ang kanilang relasyon.

KRIS AQUINO. Kung si Aiko Melendez ay nagkaroon ng relasyon sa dalawang mayor, si Kris Aquino naman ay naugnay sa tatlong alkalde.

Una na rito ang naging relasyon niya sa aktor at dating Parañaque mayor na si Joey Marquez.


Taong 2002 nagsimula ang relasyon nina Kris at Joey matapos ang isang interview ni Kris sa huli para sa programang The Buzz ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ngunit matapos ang halos isang taon, nauwi sa hiwalayan at batuhan ng putik sa publiko ang kanilang relasyon.

September 2003, nagpaunlak ng live interview si Kris sa TV Patrol at dito ay inilahad niya ang away nila ni Joey kung saan binantaan pa raw siya nito.


Inakusahan pa niya ang dating karelasyon na diumano'y may sexually transmitted disease (STD) at hinawaan diumano siya nito. 

Itinanggi naman ito ni Joey.

Nauwi sa out-of-court settlement ang problema ng dalawa matapos mag-public apology si Joey.

Ilang taon matapos nito, naugnay naman ang pangalan ni Kris kay Makati Mayor Junjun Binay.

Malapit kasi ang mga pamilya Aquino at Binay kaya naman nahaluan ng intriga ang pagkakaibigan nilang dalawa.

August 30, 2010, unang namataan ng publiko sina Kris at Mayor Junjun sa Glorietta 4, sa Makati.


February 2011, nakitang magkasama ang dalawa sa birthday celebration ni former Senator Jinggoy Estrada.


Sa naunang panayam kay Kris, sinabi niyang matalik lamang silang magkaibigan ng alkalde.

Aniya, "Among everybody na nili-link sa akin, he's the only one I have been communicating with.

"Kaklaruhin ko po, hindi siya nanliligaw sa akin. Pero matalik ko siyang kaibigan.

"Nakilala ko siya when I was grieving for my mother. Nakilala niya ako when he lost his wife."

Halos magkasunod na namatay ang ina ni Kris na si former President Cory Aquino at ang asawa ni Mayor Junjun na si Kennely Ann Lacia Binay noong 2009.

Dagdag pa ni Kris, "In that span of one year, both our lives have changed so much.

"He's been good to me. A true friend.

"Kung tatanungin niyo ako, nasa kanya yung mga qualities that I admire in a man."


Pahayag naman ni Mayor Binay tungkol sa sinabi ni Kris, "First of all, we're friends...

“And I feel obviously flattered with what she said...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She's going through a lot, so again, like what I said in my previous statement, let's just pray for her because she's going through a lot at this point in her life."


Stories We Are Tracking

Makati Mayor Junjun Binay wishes for Kris Aquino's happiness
Makati Mayor Junjun Binay wishes for Kris Aquino's happiness
Kris Aquino and Mayor Junjun Binay spotted in Makati
Kris Aquino and Mayor Junjun Binay spotted in Makati
Kris Aquino clarifies
Kris Aquino clarifies "sighting" with Mayor Junjun Binay
Kris Aquino on Mayor Junjun Binay:
Kris Aquino on Mayor Junjun Binay: "If he's dating, it's not me he's dating."

Pero nang lumaon ay namatay na lamang ang balita tungkol sa kanilang dalawa.

Fast-forward to 2014, lumabas naman ang balitang may relasyon na si Kris kay Quezon City Mayor Herbert Bautista.


Dumating pa nga sa puntong nag-propose si Mayor Herbert kay Kris noong April 2014.


 

Naisiwalat sa publiko ang detalye ng kanilang naging relasyon nang ikuwento ito ni Kris sa kanyang blog.

Bahagi ng kanyang blog entry na The State of My Heart noong February 24, 2015, “He said, walang romance, walang lokohan, walang bolahan. Okay na raw ba ko to marry him kasi nga PAGOD na siya?"

Hiniwalayan daw siya ni Herbert noong April 8, 2014, matapos ianunsiyo ni Kris noong April 7 sa Aquino and Abunda Tonight ang kanilang pagmamahalan.



Stories We Are Tracking

Kris posts photo of rendezvous with Mayor Herbert in Italy
Kris posts photo of rendezvous with Mayor Herbert in Italy
Kris reveals Herbert proposed and gave her a diamond ring
Kris reveals Herbert proposed and gave her a diamond ring
Mayor Herbert clarifies romantic involvement with Kris
Mayor Herbert clarifies romantic involvement with Kris
Kris Aquino details rendezvous with Mayor Herbert in Italy
Kris Aquino details rendezvous with Mayor Herbert in Italy

Diyembre 2017, inamin ni Kris na muling nag-propose sa kanya ang Quezon City mayor.

Ito ay noong January 2017, nang nagkita sila sa Rome, Italy, kung saan binigyan siya ni Herbert ng one-carat, heart-shaped, D-color Bvlgari diamond ring. 

Tinanggap daw ito ni Kris ngunit ibinalik din kinabukasan. 

Sabi ni Kris sa kanyang interview sa PEP.ph ukol dito, "I really realized na, parang, I think wrong timing.

"When he was already ready, I felt ang dami ko nang na-survive. At ang tagal din naman kitang hinintay."

Ngayon, loveless pareho sina Herbert at Kris.

So, PEPsters, nangarap din ba kayong magkaroon ng masaya, masalimuot, at masarap na pa-love life ni Mayor?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN