Tom Rodriguez clarifies Carla Abellana's IG post about disappointment

IMAGE Noel Orsal

Tom Rodriguez on girlfriend Carla Abellana: "I've never met a partner that's so perfect. I mean, tingnan niyo ang 'partner' sa dictionary or dictionary ko siguro, pahiram ko sa inyo, siya yun—a definition of a good partner."


Nilinaw ni Tom Rodriguez na hindi depressed ang girlfriend niyang si Carla Abellana.

Ito ay kaugnay ng Instagram posts ng aktres kung saan sinabi nitong disappointed siya sa isang taong pinagkakatiwalaan at tila may kinalaman dito ang pera.

Ayon kay Tom, “Siguro nami-misinterpret lang ng iba.

“Natsa-challenge lang siya ngayon. Nadi-disappoint, siyempre, business. 

“Pera niya yung nilalabas niya, pinag-ipunan niya.”

Tumanggi si Tom magbigay ng detalye o magsabi kung magkanong halaga ang involved.

“I don’t know if she wants me to say… pero it’s different businesses. Hindi one thing lang.

“It’s just a lot of things, pero alam ko, kayang-kaya niya at capable siya.”

Hindi rin nag-elaborate si Tom tungkol sa taong involved sa IG post ni Carla.

Tila hindi iba sa aktres ang taong ito na pinagkakatiwalaan at posibleng parte na kanyang pamilya.

“For that, siya na lang siguro ang kausapin niyo. Basta ang alam ko lang, hindi ako!” natawang biro ni Tom.

Ang makinig ang isa sa raw sa suportang ibinibigay ni Tom kay Carla sa pinagdadaanan nito ngayon.

“Pinag-uusapan namin. We talked about it. 

“I listened to it para, at least, mailabas niya.”

Hindi ba gagawa ng anumang legal action si Carla?

Ayon kay Tom, “That’s not for me to say.

“My advice is, I’m just here for her, and whatever she’s doing, she’s on the right track naman. Napakasipag.

“And she’s really diversifying. Sobrang sipag, sobrang tutok, and especially now na mag-start na siya ng isang soap.

“At yun ang takot niya, bago mag-start yung isang show, parang lahat sana plantsado na.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa press conference ng bago niyang prime-time series sa GMA-7, ang The Cure, na magsisimula nang mapanood sa April 30.

Ginanap ang presscon sa Le Reve Pool & Events Place, sa Quezon City, Martes ng gabi, April 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CARLA IS THE ONE. Apat na taon na ang relasyon nina Tom at Carla. 

Sa tuwing matatanong si Tom tungkol sa future plans nila, tahasan niyang sinasabing si Carla na ang babaeng gusto niyang pakasalan.

The family that tapes together...hehehe ;P #taping #iHD #iHeartDavao

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas) on

“On the right track,” paglalarawan ng aktor sa relasyon nila.

“I mean, kung tao ang pag-uusapan, ito ang sasabihin ko na… well, ayaw naming magpa-pressure sa kailan. Pero yung tao, sakto na. 

“I’m with the right person, hindi na magbabago yun.”

Pinaghahandaan na nila kung sakali ang kasal?

“Of course,” mabilis niyang sagot.

“Lahat ng ginagawa namin, dun din…”

Posible kayang ngayong taon na ang kasalan?

“We’ll never know. Kung yung mga tinataya ko ba sa lotto, may isang [mananalo],” biro niya.

“Pero no, hindi lang siya ang nagda-diversify.

“Even ako, I’m reaching out and diversifying para mabilis kaming makapunta sa puntong yun.”

Patuloy pa ni Tom, “I’ve never met a partner that’s so perfect.

“I mean, tingnan niyo ang ‘partner’ sa dictionary or dictionary ko siguro, pahiram ko sa inyo, siya yun—a definition of a good partner.”

TEAMUP WITH JENNYLYN. Sa unang pagkakataon ay nakatambal ni Tom si Jennylyn Mercado sa The Cure

Si Jennylyn ay girlfriend ng kaibigan at kasamahan ni Tom sa Luminary Management na si Dennis Trillo.

Co-stars naman sina Tom, Dennis, at Carla sa hit prime-time series na My Husband's Lover (2013).

Sa kanila ni Dennis, sino kaya ang unang magpapakasal?

Ayon kay Tom, “Sabi ko nga, sila Rodjun [Cruz], mauuna na. 

“Sabi ko nga, 'Sino kaya mauuna sa ating dalawa?'

“Hindi naman siya race. Everyone has their own journey.

“Tingnan natin.”

Masaya rin daw siya sa relasyon nina Dennis at Jennylyn.

Sabi ni Tom, “Ang cute din, sobrang inspired din ako sa love story ng dalawa kapag nakikita ko silang dalawa. 

"We’ll never know… At saka, may taya ba ‘to? May perang involved ba? Kikita ba ako kung tama ang hula ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I’m very happy for them as well.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN