Teacher Georcelle commends dancing skills of Iñigo Pascual, Grae Fernandez

IMAGE Instagram / Nerisa Almo

Celebrity dance choreographer Georcelle Dapat-Sy (center) commends Grae Fernandez's (left) determination and Inigo Pascual's (right) eagerness to learn how to dance.


Sarah Geronimo, Maja Salvador, at Enrique Gil.

Ito ang mga pangalang binanggit ng kilalang dance choreographer na si Georcelle Dapat-Sy nang tanungin kung sino ang tatlong artistang pinakamahuhusay sumayaw ngayon.

Ngunit agad niyang idinagdag, “'Yan yung mga talagang active ngayon.

"Pero nandiyan si Gary V., si Billy Crawford, si Vina Morales.

“Alam mo yun, ang dami-dami, nasa istilo talaga ng pagsasayaw.

“I mean, it's hard for me to say 'who's your top three' among G-Force when all of them are really good, but they all have different offers.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Teacher Georcelle sa bagong branch ng G-Force Dance Center sa Alabang, Muntinlupa, noong Linggo, April 15.

GRAE & IÑIGO. Samantala, kung mayroon daw sa mga baguhang artista na nakikitaan niya ng determinasyong matuto, ito ay ang binatang anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Fernandez.

“Si Grae, anak ni Mark Anthony Fernandez, is not a natural dancer,” bungad ni Teacher Georcelle nang tanungin kung sino sa tingin niya ang kailangan pa ng improvement sa pagsasayaw.

“In fact, challenged talaga when you give him choreography, but he's very responsible, very responsible.

“Kapag nagkamali 'yan sa rehearsal, konting ganyan lang, alam niyang nagkamali siya, maya-maya aayusin niya at ipa-polish niya.

“Alam niya na, 'Mali ako, kailangan kong trabahuhin ito, kailangan kong ayusin.'

“He doesn't wanna mess up on stage and that's a good attitude.”

Sabi pa niya, “The others, parang they know that they can wing it when they step on stage because you know you'll hear all the scream, and then wala na. Yun ang mahirap.

“I love the determination of Grae.”

Bilib din si Teacher Georcelle sa kasipagan ng binatang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual.

“Magaling siya kumuha ng choreography,” sabi ng celebrity dance choreographer.

“From what I know, sa States pa lang, he was taking classes na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa G-Force, tatawag siya for ano... masipag siya.

“Tatawag siya for private classes, one-on-one session, masipag siya.

“Nakakaaliw 'yan, si Iñigo.

"What I really appreciate about Iñigo is nahanap niya yung talagang sarili niyang niche.”

Nabanggit din ni Teacher Georcelle sina Elmo Magalona at Joshua Garcia na kabilang sa mga bagong estudyante nilang maaari pang mag-improve sa pagsasayaw.

Ayon kay Teacher Georcelle, hindi naman lahat ay natural marunong sumayaw, ngunit sa tamang determinasyon ay maaari itong matutunan.

“Hindi lahat [marunong sumayaw]. But, you know, when you are committed and alam mo yung pinasok mo...

“Mas mahirap turuan ang mga walang commitment.

“Kasi may mga magaling sumayaw, pero ayaw makinig.

“We don't want that kasi hindi ka lang nagtuturo, nagdidisiplina ka.”

Sa huli, tinanong ng PEP.ph kung sino sa mga artistang kakilala niya sumuko na lang dahil hindi matutunan ang pagsasayaw.

Natatawang sagot ni Teacher Georcelle, “Baka si Piolo yung gumive-up na, kasi dati sumasayaw naman siya, e.”


Stories We Are Tracking

Teacher Georcelle explains Kim Chiu's dance fail on <em>ASAP</em>
Teacher Georcelle explains Kim Chiu's dance fail on ASAP


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN