Jennylyn Mercado denies engagement to Dennis Trillo

IMAGE Mark Atienza

Excited na si Jennylyn Mercado sa bago niyang teleserye sa GMA-7 na The Cure. Dito raw muna siya magpo-focus at hindi pa iniisip ang future nila ng boyfriend na si Dennis Trillo. 


Maraming mga tagahanga ng magkasintahang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang kinilig nang mag-post ang aktor ng “twinning photo” nila sa Instagram noong April 10.

Ang larawang naka-post ay ang kanilang mga kamay na magka-holding hands at may suot na parehong relo.

Kita rin sa daliri ni Jennylyn ang suot niyang dalawang singsing.

????

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on

Nag-propose na ba si Dennis sa kanya?

Medyo nagulat na tugon ni Jennylyn, “A, relo, pareho kasi kami ng relo.

"Ano bang ibig sabihin kapag may singsing?

“Di ba, pag engagement ring, bato? Isang bilog na bato. Wala, e, wala pa.”

Nasa wastong edad na pareho sina Jennylyn, 30, at Dennis, 36, upang bumuo ng sariling pamilya.

Pareho na rin silang may anak sa mga dati nilang karelasyon—si Patrick Garcia kay Jennylyn at si Carlene Aguilar kay Dennis.

Handa na ba si Jennylyn kung sakaling yayain na siyang magpakasal ni Dennis?

Sagot ng Kapuso actress, “Nakita niyo naman yung picture, wala naman.

"Wala pa sa ano ko ‘yan, wala pa sa plano."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa media conference ng The Cure noong Martes, April 17.

GROUND-BREAKING CONCEPT. Ang The Cure ay ang upcoming prime-time series ng Kapuso Network na pagbibidahan nina Jennylyn at Tom Rodriguez.

Tatalakay ito sa isang contagious virus at kung paano ito masusugpo.

May action scenes sa show dahil ang mga taong mai-infect ng virus ay magiging bayolente.

Ito rin ang unang pagkakataong sasabak si Jennylyn sa aksyon.

Paano siya naghanda sa mga eksenang ito?

Saad niya, “First time ko kasi medyo takot ako sa mga baril, sabog.

"Kapag New Year nga, nagtatago ako, naghu-hotel ako, kasi ayoko talaga nung mga putok.

“Pero ang ginagawa ko lang, naglalagay ako ng earplugs.”

Makakasama nina Jennylyn at Tom sa The Cure sina Jaclyn Jose, Ken Chan, LJ Reyes, Jay Manalo, Irma Adlawan, Glenda Garcia, Arra San Agustin, Diva Montelaba, at Mark Herras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood na ito sa GMA Telebabad simula sa April 30.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN