Kapamilya, Kapuso stars congratulate Jasmine Curtis-Smith for signing up with GMA-7

IMAGE Instagram

Jasmine Curtis-Smith (center) receives warm congratulations both from Kapamilya and Kapuso stars after she recently signed up with GMA-7. Among those who congratulated her is her sister and Kapamilya actress Anne Curtis (left) and Kapuso young actress Gabbi Garcia (right). 


Bumuhos ang pagbati kay Jasmine Curtis-Smith sa pagpirma nito ng exclusive conntract sa GMA-7 nitong Martes, April 17.

Idinaan sa social media ng kanyang mga kaibigan—mula sa Kapamilya at Kapuso networks—ang pag-abot nila ng pagbati kay Jasmine.

Kabilang na rito ang ate niyang si Anne Curtis na nasa bakuran ng ABS-CBN.

Naging artista ng GMA-7 si Anne mula 1996-2003 bago siya lumipat sa ABS-CBN noong 2004.


Stories We Are Tracking

Jasmine Curtis transfers to GMA-7
Jasmine Curtis transfers to GMA-7

Tweet ng It’s Showtime host: “Congratulations my baby girl! I’m just down the street if you need me.”

Bumati rin via Instagram ang ABS-CBN stars na sina Luis Manzano at Iza Calzado.

Si Iza ay matagal ding naging Kapuso (1992-2012).


Nag-congratulate din sa bagong Kapuso actress si Alex Gonzaga, isa ring Kapamilya at dating TV5 star gaya ni Jasmine.


Mainit naman ang pagtanggap ng GMA-7 artists na sina Gabbi Garcia, LJ Reyes, Iya Villania, Rodjun Cruz, Edgar Allan Guzman, at Chynna Ortaleza kay Jasmine.




Umaasa naman sina Carla Abellana at Alyana Asistio na makatrabaho nila si Jasmine sa ilang proyekto sa kanilang home network.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN