Maris Racal says rumored BF Iñigo Pascual doesn't meddle with her outfits

IMAGE Noel Orsal

Maris Racal opens up about her previous experience of being controlled over her appearance and outfits. She told PEP.ph, "Na-try ko rin po kasi na kinontrol talaga. So, sobrang nahirapan at sobrang nasakal. So, ayoko na pong maulit yun."


Sa presscon para sa finale ng ABS-CBN drama series na Hanggang Saan noong Martes, April 17, kakaibang Maris Racal ang tumambad sa media.

Naka-body hugging, above-the-knee yellow cocktail dress ito at beige stilettos, na malayo sa dating teeny-bopper image nito at mga isinusuot na damit.

Sa nasabing suot, lumabas ang magandang body form ni Maris, at sexy ang buong appearance niya nung mga sandaling iyon.


Bago pa ito, ginulat ni Maris ang netizens nang mag-post siya sa social media ng kanyang photos na naka-swimsuit.

Kuha ang mga larawan sa Siargao, at ang aktor na si Carlo Aquino (Jose Liwanag) mismo ang kumuha ng mga iyon.

Mind over fatter #loveyourbod

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

Siargao changed my heart. (c) @jose_liwanag

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

Umpisa na ba ng pagma-mature ni Maris bilang artista ang pagpayag niyang mag-post ng sexy photos niya sa Instagram?

“Hindi naman po,” mabilis niyang tanggi sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Yun nga po yung sinabi ko na ayaw kong ma-box sa image na gusto ng tao for me.

“Ako lang, gusto ko lang na maging ako.

“I mean, yung wish ko lang, sana hindi maapektuhan yung gusto ng tao.

“Like, kunwari yung project na ginagawa niya [ng artista], hindi maapektuhan yung tao in real life.”

Patuloy ng Kapamilya young actress, “Kunwari, kung ano yung pinu-portray niya, very sweet girl, kung sa real life naman talaga daring siya...

"Pero hindi rin naman ako yung ano, tama lang naman po yung suot ko sa tamang lugar.”

Hindi raw nahirapan si Carlo Aquino na kumbinsihin si Maris na magpakuha ng naka-bikini.

Ayon sa 20-year-old Star Magic artist, “Hindi naman, parang trip nga lang namin tapos in-upload.

"Never kaming nag-think about like, parang, think about the comments.

“Parang gusto lang naming mag-enjoy talaga.”

HER BODY, HER CHOICE. Wala naman daw negative reaction ang nali-link sa kanyang si Iñigo sa paglabas ng swimsuit photos niya sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Wala pa naman akong naririnig sa kanya.

“Pag ganun kasi, parang may times na magri-react siya.

“Pero may times na parang… pangit kasi yung kinu-control ka ng lalaki kung ano yung suotin mo, e, di ba?

“Parang ayaw rin naman niya ng ganun kaya chill lang kami.”

Napagdaanan na raw ni Maris na kinu-control siya sa kung anong nais niyang suotin.

Kuwento niya, “Na-try ko rin po kasi na kinontrol talaga.

“So, sobrang nahirapan at sobrang nasakal. So, ayoko na pong maulit yun.

“Huwag na po nating pag-usapan yun,” pakiusap niya sa tinutukoy na experience.

Pagpapatuloy niya, “Si Iñigo kasi, chill lang siya, e.

“Pero may mga times sya na super conservative.

“Parang nakikinig din naman ako. Okey lang sa akin yun.”

Ano yung mga bagay na ayaw ni Iñigo, lalo na sa pagdadamit niya?

Napangiti uli si Maris at saka nagsalita, “Si Iñigo kasi nagpapa-clue lang siya na parang, 'Grabe ka, ganyan ka talagang magdamit, ano? But it’s okay. Gusto mo yan, hayaan kita.'

“Pero may mga times na nag-aano siya ng comment, ‘Ganyan ka talaga magdamit, ano?’

"'Tapos, smile lang siya. Ganun lang naman ang mga comment niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN