Ruru Madrid doesn't chat with strangers online to avoid scandals and controversies

IMAGE Noel Orsal

Ruru Madrid on random chatting online: "Kasi di ba, bata pa lang tayo tinuturuan na tayo ng mga magulang natin na don't talk to strangers?"


“One hundred and one percent sure!”

Ito ang kampanteng sagot ng Kapuso hunk na si Ruru Madrid nang tanungin kung sigurado bang walang lalabas na video scandal niya.

Kaugnay ito ng pagsulpot ng video scandals ng ilang male celebrities.

Ayon pa sa bida ng Sherlock Jr., hindi siya nakikipag-chat sa mga taong hindi niya kilala.

“Kapag random people, hindi. Ever since. Iyon siguro yung mapa-proud ako sa sarili ko.”

Ang iba kasi ay kalimitang sa pakikipag-chat nabibiktima.

Pahayag ni Ruru sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yung ganun po kasi, paminsan hindi natin maiiwasan.

“Ako po, honestly, sa akin, kahit po tingnan natin ang Instagram ko, maraming nagme-message sa akin na mga random people, random girls na una dadaanin ka nila sa chat, ‘Hi, hello, fan mo ako,’ ganyan-ganyan.

“Siyempre ako, titingnan ko yung profile nila, makikita mo talaga na sexy sila, ganyan-ganyan.

“Pero hindi na to the point na kailangan mo pang patulan.

“Siguro mas okay na yung taong kilala mo na lang ang kausapin mo.

“Kasi, di ba, bata pa lang tayo, tinuturuan na tayo ng mga magulang natin na don’t talk to strangers, di ba?”

Kahit napakaseksing stranger, iiwasan niya?

Sagot ni Ruru, “Ako kasi, siguro it’s better na makilala mo personally kesa thru phone.

“Kasi ngayon, kailangan nating maging maingat, kasi nangyayari na po 'yang mga ganyan, di ba?

“So, kumbaga, meron nang mga patnubay, ipinapakita nila na dapat hindi mo gayahin ito para hindi ka matulad sa ganyan, para hindi ka na magkaproblema ng ganyan.

“So, ako, eversince naman, siguro may mga nakakausap [chat] ako, pero kilala ko.” 

Umamin si Ruru na may mga random na tao na itsa-chat siya at hihilingin sa kanyang maghubad siya at ipakita ang kanyang pagkalalaki.

“Hindi ko po nire-reply-an,” sambit ng 20-year-old actor.

Ano ang payo niya sa mga may sex video scandal o maaaring masangkot pa sa ganitong kontrobersiya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro iyon nga po, better na bago natin kausapin yung isang tao, lalung-lalo na sa social media, kilalanin muna natin or i-make sure natin na makikita natin sila sa personal.

“Siyempre hindi natin maiiwasan, kailangan nating makipag-date, kailangan nating kumilala ng mga bagong tao.

“Pero mas maganda na kilalanin mo sa totoong buhay, hindi sa cell phone, sa video call or sa computer.

“Kasi wala, e, delikado na, e, sobrang delikado.

“Para lang makaiwas.”

SOPHIE ALBERT. Bagamat maugong ang balitang type ni Ruru si Sophie Albert, itinanggi ng aktor na balak niyang ligawan ang aktres.

Magkasama ang dalawa sa prime-time series ng GMA-7 na Sherlock Jr., kung saan bida si Ruru at bagong karakter naman si Sophie.

“May boyfriend po yun,” ang mabilis na reaksiyon ni Ruru sa tanong ng PEP.ph kung liligawan niya ba si Sophie.

“May boyfriend po yun, kaya dapat po respeto. Respeto.”

Balitang may relasyon sina Sophie at Vin Abrenica, na dati na ring magkasintahan. 

Magkasama ang dalawa noong nagdaang Holy Week sa La Union kasama ang buong pamilya ni Vin, pati na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Patuloy ni Ruru, “Pagka alam ko pong may boyfriend yung tao, talagang ano ako [hands off].

“Pero pagka single, bakit hindi?”

Wala raw nililigawan si Ruru ngayon. Ngunit may iba pang dahilan bukod sa career kaya hindi nagmamadali ang batang aktor na magka-relasyon.

Aniya, “Well, siyempre, priority career, pero ako po yung tipo ng taong naniniwala sa destiny, e.

“Kung kailan nakatadhana yung isang tao, iyon na po yun, susundin ko po yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN