Sofia Andres denies network transfer rumor

IMAGE Noel Orsal

"It's not true that im gonna transfer network, im proud to be a kapamilya," Sofia Andres tells her Twitter followers on Thursday, April 19.


Nilinaw ni Sofia Andres na isa pa rin siyang Kapamilya.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ngayong Huwebes ng umaga, April 19, pinabulaanan ng young actress na lilipat siya ng network.

“It’s not true that im gonna transfer network, im proud to be a kapamilya have a nice day everybody!” sabi ni Sofia.

Hindi nabanggit ni Sofia kung saan nanggaling ang balitang lilisanin na niya ang ABS-CBN.

Ngunit marahil ay bunsod ito ng pagkamatay ng kanyang karakter na si Mayari, matapos ang ilang linggo pa lamang na pag-ere ng prime-time fantasy series na Bagani.

Isa si Sofia sa itinuturing na lead characters dito. Kasama niya rito sina Liza Soberano, Enrique Gil, Matteo Guidicelli, at Makisig Morales.

Kapansin-pansin din ang pagkawala niya sa promo materials ng Star Creatives para sa programa.

Our hashtag for today: #BAGANILakasIsBack! #Bagani

A post shared by STAR CREATIVES TV (@starcreativestv) on

Ibig sabihin din kaya nito ay hindi na posibleng bumalik si Mariya sa Bagani?


Stories We Are Tracking

Sofia Andres explains bad behavior during interview
Sofia Andres explains bad behavior during interview
Sofia Andres cautious now during press interviews
Sofia Andres cautious now during press interviews


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN