Solenn Heussaff reveals why she's not yet pregnant

IMAGE Bernie Franco

Solenn Heussaff explains why she and her husband Nico Bolzico are not yet certain about having a baby. 


Inamin ni Solenn Heussaff na inakala niya noong mabubuntis siya bago ikasal at magtatrabaho para sa lalaking walang ambisyon sa buhay.

“Ako yung tipong babae noon na I would think na I would have gotten pregnant by accident, that I would have ended up with a guy I would end up having to work for and take care of.

“Kasi I’m very… di naman ako baliw, but my type of boyfriends before, yung mga guys na may problema, na gusto ko silang ayusin.

“I thought my fate would be to have a harder life with many children unexpected!” natatawa niyang sabi.

"But fortunately for me," patuloy ni Solenn, "God has planned otherwise.

"So everything happened in order: nag-date ako muna, tapos naging fiancé, 'tapos I was married, and I’m taking my time to build a family.”

Kasal ang 32-year-old actress-TV host sa Argentinean businessman na si Nico Bolzico.

ON GETTING PREGNANT. Ikinasal sina Solenn at Nico noong May 2016 pagkatapos ng matagal na relasyon.

Sa set visit ng upcoming movie niya with Paolo Ballesteros na My 2 Mommies, sa Antipolo, Rizal noong Martes, April 17, inulit ng PEP.ph kay Solenn ang madalas itanong sa kanya: bakit hindi pa siya buntis?

Tugon ng Kapuso star, “Siyempre naman, you’re never ready even if I have all these plans, di ako ready when I see my friends [who now have babies].

“Like, si Belle [Isabel Daza], kakaanak lang, and I go visit her.

"Parang sabi ko, ‘Gusto ko ba talaga ito? Ang boring ng first three months sa bahay lang. Parang, baka lang!’

"[Then] when I see my nephew, me and Nico are wondering, ‘What are we waiting for?’

"So, all in perfect time.

“Of course, we’re talking about it. Of course, we’re planning sooner than later.

“But, like, right now, I have a few projects I’m finishing this year that I wanna push further.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And we just renovated the house, so we’re gonna move into the house.

“So, by order, para hindi ko gagawin na buntis ako habang nag-aayos ng bahay.

“We told each other this year, let’s finish what we planned, and then next year, tingnan natin kung paano sisingit [ang pagkakaroon ng anak].”

Dagdag pa ni Solenn, “Obviously, I’m turning 33 in July, so sana malapit na.

"Kasi, I don’t wanna wait until I’m 37."

MOTHER ROLE. Sa My 2 Mommies, unang beses ni Solenn na gumanap ng mother role.

Tinanggap daw niya ang proyekto dahil makabuluhan ito at nangyayari sa totoong buhay.

“It’s light din. It’s not, like, a heavy mother role na drama-dramahan na may problem ang anak.

“It’s a very light movie that people can really relate to.”

Ginagampanan dito ni Solenn ang role ni Monique.

“Si Monique, nabuntis by accident. Nangyayari naman 'yan as much as you wanna hide it.

"And then she raised her kid on her own.

"Got married, comes out to her gay best friend na hindi rin alam na mom siya ngayon.

"So it’s how you adapt to reality of life and how you deal with what’s given to you.

"So, tinanggap ko kasi maganda ang story, 'tapos it happens talaga.”

Tampok din sa pelikula sina Maricel Soriano at Joem Bascon.

Mula sa direksiyon ni Eric Quizon, magbubukas ang My 2 Mommies sa mga sinehan simula sa May 9. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN