GMA News anchor Jiggy Manicad to run for senator?

IMAGE Noel Orsal

24 Oras Weekend anchor Jiggy Manicad is included in the list of PDP-Laban's possible senatorial bets for 2019 elections.


Isa sa mga trending topic ngayon sa Twitter ang pangalan ng GMA News anchor na si Jiggy Manicad.

Naging usap-usapan sa Twitter ang pangalan ni Jiggy matapos ilabas ng PDP-Laban ang shortlist ng kanilang possible senatorial candidates sa 2019 elections.

Ang PDP-Laban ang political party na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang ang 24 Oras Weekend anchor sa 20 posibleng kandidato ng PDP-Laban na inilabas ni Senator Koko Pimentel ngayong araw.

Kasama rin sa listahan ang matagal nang napapabalitang tatakbo sa Senado na sina Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson, Special Assistant to the President Bong Go, at Presidential Spokesperson Harry Roque.

Samantala, kaninang umaga ay kinumpirma na ng singer-composer na si Freddie Aguilar ang hangarin niyang kumandidato bilang senador.

Nasa listahan din ng PDP-Laban ang senatorial re-electionists na sina Grace Poe, Sonny Angara, Cynthia Villar, JV Ejercito, at Nancy Binay.

Mula naman sa Kongreso, maaaring tumakbo sa pagkasenador sina Ace Barbers, Albee Benitez, Karlo Nograles, Zajid Mangudadatu, Geraldine Roman, Rey Umali, at Pia Cayetano.

NETIZENS REACT. Sari-sari ang reaksiyon ng netizens sa pagkakasama ng pangalan ni Jiggy sa listahan ng seantorial best ng PDP-Laban:

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag na nais ipaabot ni Jiggy at ng iba pang personalidad na nakasama sa draft list ng senatorial candidates ng PDP-Laban.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN