Julio Diaz admits to drug use, denies drug pushing

IMAGE Photo grab from Twitter (Doland Castro)

Julio Diaz after his arrest in a buy-bust operation: "Ako ay nahuli sa isang bisyo. Sa aking pagkakaintindi, maaaring gumamit ako, pero hindi ito isang bisyo na nilamon ako... ng droga."


Itinanggi ng veteran actor na si Julio Diaz ang pagtutulak ng ilegal na drogra, pero inamin niyang gumagamit siya nito.

Ito ay kasunod ng kanyang pagkakahuli sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Meycauayan, Bulacan, ngayong Biyernes, April 20.


“Hindi, ang pagtutulak ho. Siguro paggamit lang po,” pahayag ng 59-anyos na aktor sa video na in-upload ng ABS-CBN news reporter na si Doland Castro sa Twitter.

“Nagkataon lang naman siguro na since meron palang buy-bust operation na sinasabi, di ko ho alam na ano…” putol niyang pahayag sa panayam ng reporters.

Nahuli si Julio at kanyang driver sa tahanan ng aktor sa Barangay Langka, Meycauayan.

"Ako ay nahuli sa isang bisyo. Sa aking pagkakaintindi, maaaring gumamit ako, pero hindi ito isang bisyo na nilamon ako... ng droga," pahayag ni Julio sa DZMM.

Humingi ng paumanhin ang aktor sa kanyang kasalanan at sinabing natukso lamang siya.

Noong July 2016, napabilang ang pangalan ni Julio sa drug watch list sa Meycauayan nang ilunsad ng kasalukuyang administrasyon ang Oplan Tokhang.

Nagtungo sa police station sa kanilang barangay ang aktor upang linisin ang kanyang pangalan.

Inamin niyang gumagamit siya ng droga noong aktibo pa siya sa showbiz, pero itinigil na raw niya ito, lalo na nang inatake siya ng aneurysm noong April 2016 at sumailalim sa operasyon.


Stories We Are Tracking

Julio Diaz included in Meycauayan drug watch list
Julio Diaz included in Meycauayan drug watch list
Julio Diaz makes first public appearance after surgery
Julio Diaz makes first public appearance after surgery

Kabilang si Julio sa cast ng mga teleserye ng ABS-CBN na FPJ's Ang Probinsyano at Asintado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN