Kris Aquino reveals why ex-husband James Yap does not see Bimby anymore

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino to ex-husband James Yap: "Wala ka nang pakinabang kay Bimb. Wala na kasi kaming 'power' so bakit ka pa didikit?"


Idinaan ni Kris Aquino sa music video at mahabang mensahe ang reaksiyon niya sa birthday message ng ex-husband na si James Yap para sa kanilang anak na si Bimby Aquino Yap.

Kahapon, April 19, ipinagdiwang ni Bimby ang kanyang 11th birthday.

Sa pamamagitan ng Instagram, binati ni James ang anak na matagal na raw niyang hindi nakikita. Pero araw-araw naman daw niya itong naiisip.

Ngayong araw, April 20, nag-post naman si Kris sa kanyang Instagram account ng isang video na naglalaman ng quotes na patama kay James, at mga larawan niya kasama ang mga anak na sina Bimby at Josh.

Ang ginamit na background music ng 47-year-old TV host-actress ay "Look What You Made Me Do" ni Taylor Swift.

Sa caption ng kanyang Instagram post, isang mahabang mensahe ang ipinarating ni Kris kay James.

Dito ay binalikan ni Kris ang mga naging panayam ni James tungkol sa pagkakait diumano sa kanya ng dating asawa upang makapiling ang kanilang anak.

Panimula niya, "Ngayon patas na tayo, hindi na ko pwedeng ma-accuse ng power tripping.

"NANAHIMIK ako for so LONG- even when you crossed the line when promoting that bar you are part owner of- nagsalita ka & nasa PEP yung video na napanuod ni Bimb mismo 'nakakawalang ganang mag effort na magpaka tatay kay Bimb kasi hindi naman appreciated.'"

Ang tinutukoy na video ni Kris ay ang exclusive interview ng PEP.ph senior writer na si Arniel Serato kay James noong August 17, 2017 at nailathala nang sumunod na araw, August 18.


Stories We Are Tracking

James Yap strongly feels that son Bimby does not like him
James Yap strongly feels that son Bimby does not like him
Kris Aquino to James Yap:
Kris Aquino to James Yap: "Stop using Bimb for publicity."
James Yap reacts to Kris's allegations of child neglect
James Yap reacts to Kris's allegations of child neglect

Pagpapatuloy ni Kris, "UTANG NA LOOB... flashback 2013- trying hard kang umiyak (i say trying hard kasi walang luha, puro uhog lang) sa interview mo sa TV Patrol dahil 'pinagkakait' ko si Bimb sa yo...

"Ay oo nga pala, of course pinagaksayahan mo sya ng panahon 5 years ago- kasi nasa Malacañang pa ang Tito nya.."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Kris ay kapatid ni dating Pangulong Noynoy Aquino, na nasa puwesto mula 2010 hanggang 2016.

Sabi pa ng dating presidential daughter at sister, "Nung tinanong ka bakit hindi ka na nag share sa tuition ni Bimb ang 'excuse' mo dahil hindi ka na consult nung ililipat sya ng school...

"Sinunod ko yung annulment compromise financial agreement of 2011 w/c gave you millions; 2014 tayo pumirma ng compromise child support, once ka lang nag abot ng half mo pang education ni Bimb- after the signing."

Kinastigo rin ni Kris si James tungkol sa isyung "baklain" si Bimby.

Aniya, "When Bimb saw the post na BINASTOS sya na 'baklain' sya, he shrugged it off & said: 'Mom- who cares? My own biological dad said that about me in court & he’s said it so many other times?'

"Nanahimik pa rin ako about that kasi feeling ko- wag mo kaming guluhin, peaceful tayo... Eh humirit ka w/ your birthday post."

Pagkatapos nito ay sinagot ni Kris ang tanong kung bakit hindi nagkikita sina James at Bimby.

Buwelta niya sa dating asawa: "So bakit nga ba hindi kayo nagkikita?

"Ganito ka simple- wala ka nang pakinabang kay Bimb. Wala na kasi kaming 'power' so bakit ka pa didikit?

"Madali kung gusto mo. Ang kapatid mo ka Facebook si Bincai.

"Yung napakabait na pamilya from Iloilo na parang 2nd family mo ay hanggang ngayon ka close ni Ate at Pinky..."

Ayon pa kay Kris, "you are missing out on experiencing what a caring, generous, polite & lovable boy Bimb is- and it is your LOSS.

"I am ready to be bashed for washing our dirty laundry (of course w/ Ariel Antibac w/ the power of Safeguard) on IG BUT this mother has had it w/ half truths & hypocrisy & she needed to make a stand for truth."

Tinapos ni Kris ang kanyang mensahe gamit ang hashtag na "#lookwhatyoumademedo"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon patas na tayo, hindi na ko pwedeng ma-accuse ng power tripping. NANAHIMIK ako for so LONG- even when you crossed the line when promoting that bar you are part owner of- nagsalita ka & nasa PEP yung video na napanuod ni Bimb mismo “nakakawalang ganang mag effort na magpaka tatay kay Bimb kasi hindi naman appreciated.” UTANG NA LOOB... flashback 2013- trying hard kang umiyak (i say trying hard kasi walang luha, puro uhog lang) sa interview mo sa TV Patrol dahil “pinagkakait” ko si Bimb sa yo... Ay oo nga pala, of course pinagaksayahan mo sya ng panahon 5 years ago- kasi nasa Malacañang pa ang Tito nya... Nung tinanong ka bakit hindi ka na nag share sa tuition ni Bimb ang “excuse” mo dahil hindi ka na consult nung ililipat sya ng school... Sinunod ko yung annulment compromise financial agreement of 2011 w/c gave you millions; 2014 tayo pumirma ng compromise child support, once ka lang nag abot ng half mo pang education ni Bimb- after the signing. When Bimb saw the post na BINASTOS sya na “baklain” sya, he shrugged it off & said: “Mom- who cares? My own biological dad said that about me in court & he’s said it so many other times?” Nanahimik pa rin ako about that kasi feeling ko- wag mo kaming guluhin, peaceful tayo... Eh humirit ka w/ your birthday post. So bakit nga ba hindi kayo nagkikita? Ganito ka simple- wala ka nang pakinabang kay Bimb. Wala na kasi kaming “power” so bakit ka pa didikit? Madali kung gusto mo. Ang kapatid mo ka Facebook si Bincai. Yung napakabait na pamilya from Iloilo na parang 2nd family mo ay hanggang ngayon ka close ni Ate at Pinky... you are missing out on experiencing what a caring, generous, polite & lovable boy Bimb is- and it is your LOSS. I am ready to be bashed for washing our dirty laundry (of course w/ Ariel Antibac w/ the power of Safeguard) on IG BUT this mother has had it w/ half truths & hypocrisy & she needed to make a stand for truth. #lookwhatyoumademedo

A post shared by Kris C. Aquino (@krisaquino) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN