Maris Racal enjoys away-bati relationship with Iñigo Pascual

IMAGE Jerry Uy

Maris Racal on entering into a relationship: "Ako, personally, gusto kong magka-boyfriend kung deserve ko na at kung may napatunayan na ako on my own."


Pinatotohanan ni Maris Racal ang sinabi ni Iñigo Pascual sa isang panayam na mahilig siyang alaskahin, biruin, at i-bully nito.

Sabi ni Maris, “Sobra. Super bully siya talaga. Okey lang naman sa 'kin.”

Sinundan niya ito ng pag-aming minsan ay napipikon siya sa mga pang-iinis sa kanya ng anak ni Piolo Pascual.

Tatagal kaya ang relasyon nila kung madalas mang-inis si Iñigo at minsan ay napipikon si Maris? 

“Ahm, anong relationship?” pag-iwas niya sa pag-amin kung sila na nga ng young singer-actor.

“Wala naman, nag-e-enjoy naman kami sa ganung relationship namin na parang away-away kami, 'tapos may susuyo.

“May ganung effect.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maris sa presscon ng finale ng ABS-CBN drama series na Hanggang Saan, na ginanap sa 9501 Resto, ELJ Building, noong Martes, April 17.

STILL NO LABEL. Hanggang ngayon ay wala pa raw label ang pagiging close nina Maris at Iñigo.

Paliwanag niya, “Mahirap, e.

“Like, kung gusto niyo naman ng ganun, come easy.

“Kasi ngayon, super complicated pa ng ano [situation].

“Marami pa kaming gustong marating sa buhay.

“Yun kasing si Iñigo, very career-oriented person siya, and same with me.

“Parang alam mo yung… ako, personally, gusto kong magka-boyfriend kung deserve ko na at kung may napatunayan na ako on my own.”

Ibig sabihin ba nito ay puwede pa siyang mag-entertain ng ibang suitors, tutal wala naman palang label ang relasyon nila ni Iñigo?

“Ayoko rin,” mabilis na sagot si Maris.

“Parang ayaw ko rin.  

“Right now, hindi din yun ang hinahanap ko.

“Hindi ko rin kailangan ng company or partnership or real relationship talaga.

“Hindi ko yun hinahanap.

“Kami ni Iñigo is safe... dapat siya ang sumasagot ng ganito, e.

“Yes, friends kami.”

VIEWS ON LOVE. Kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa paniniwala ni Maris tungkol sa love life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pressscon ng Haunted Forest noong nakaraang Disyembre ay kinikilig pa siya sa pag-aming inspired siya sa kanilang samahan ni Iñigo, at araw-araw siyang gumigising nang nakangiti.

Ngayon ay parang kung sakaling hindi man sila magtagal o umabot sa tunay na relationship ni Iñigo, hindi ito magdudulot ng hapdi sa kanyang puso.

Pahayag niya, “Sa akin kasi, personal yun, e.

“Na-realize ko na gusto ko munang diyan na ako mag-boyfriend if deserve ko talaga.

“Like, may napatunayan na ako.

“With Iñigo naman, nakakamit naman namin yung dreams namin together.

“So, everything is possible naman.

“Huwag na lang nating diktahan kung ano yung tadhana mo or yung future mo, kasi ngayon, sinasabi ko ito, 'tapos iba naman pala ang mangyaya1ri in the future.

“So, ang panget nun.

“Ngayon, steady muna.”

CRUSHING. Isa sa naging confusion sa presscon para sa huling linggo ng Hanggang Saan ay ang pagkakaroon umano ng crush ni Yves Flores kay Maris.

Magka-love team sa nasabing teleserye ng ABS-CBN ang dalawa.

Naging sentro ng tuksuhan si Yves, na pinangunahan ng isa pa sa cast member na si Sue Ramirez, tungkol sa pagkakaroon ng admiration ng young actor kay Maris.

Bagamat itinanggi na ito ni Yves noong una, hindi pa rin siya tinantanan ng panunukso kaya nabuo ang espekulasyong itinatago lang o crush talaga ng binata si Maris.  

Ayaw lang daw nitong aminin dahil nali-link ngayon ang morenang singer-actress kay Iñigo.


Stories We Are Tracking

Yves Flores denies he has crush on Maris Racal
Yves Flores denies he has crush on Maris Racal

Natatawang komento rito ng young singer-actress, “Biruan lang naman po namin yun.

“Pero sobrang good friends lang kami ni Yves, na walang malice lahat ng ginagawa namin.

“Hindi ko alam sa kanya [kung totong crush niya ako], pero feeling ko, hindi naman totoo.

“Niloloko lang siya ni Sue.”

Dahil matagal din ang inabot ang teamup nila ni Yves, natanong si Maris kung hindi ba nagselos kahit minsan ang rumored boyfriend niyang si Iñigo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napangiti muna si Maris bago sumagot.

Aniya, “Hindi naman po.

“Never naman pong nag-comment si Iñigo about that [love team with Yves].

“Hindi naman niya ako bina-box sa kung ano yung love team namin.

“Siyempre, siya rin naman nakikipag-collaborate with other girls sa song.

“Okey lang naman po yun sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN