Erwin Tulfo, Lito Lapid, Jinggoy Estrada join Magic 12 of Pulse Asia senatorial survey

IMAGE File

Kabilang sina (mula kaliwa) Robin Padilla, Dingdong Dantes, Jinggoy Estrada, Erwin Tulfo, at Mocha Uson sa mga pinagpilian sa isinagawang survey ng Pulse Asia para sa senatoriables ng 2019 mid-term elections. Ngunit tanging sina Estrada at Tulfo lamang ang nakapasok sa Magic 12.


Inilabas ng Pulse Asia Research Inc. ang resulta ng isinagawa nilang survey ng senatoriables na posibleng tumakbo sa May 2019 mid-term elections.

Ginawa ang survey noong March 23 hanggang 28, 2018 kung saan nagkaroon ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents nationwide.

Ang naging tanong sa survey ay ito: “Kung ang nasabing eleksyon sa 2019 ay isagawa ngayon, sinu-sino sa mga susunod na personalidad ang inyong iboboto kung sakaling sila ay kakandidato sa pagka-SENADOR? Puwede kayong pumili ng hanggang 12 na pangalan.”

Kung sa nasabing petsa ginawa ang eleksyon, pasok sa Top 12 ang broadcaster na si Erwin Tulfo, at ang mga aktor at dating senador na sina Lito Lapid at Jinggoy Estrada.

Nangununguna sa listahan ang re-electionist senators na sina Grace Poe (1, 70.8%) at Cynthia Villar (2-3, 55.6%).

Pasok din sina former Senator Pia Cayetano (2-3, 53.8%), Senator Nancy Binay (4-4, 45.8%), Senator Edgardo Angara, Jr. (4-7, 44.9%), Davao City Mayor Sara Duterte (4-7, 43.8%), Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel, Jr. (5-8, 39.8%), former Senator Serge Osmeña (7-12, 38%), PTV4 News anchor Erwin Tulfo (7-13, 36.7%), at Ang Probinsyano star at former Senator Lito Lapid (8-15, 33.8%).

Nasa listahan din sina retired PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa (8-14, 33.1%), former Senator Jinggoy Estrada (8-15, 32.8 %), Ilocos Sur Governor Imee Marcos (9-15, 32.2%), Senator Bam Aquino (10-19, 30.5%), at Senator JV Ejercito (10-19, 29%).


Samantala, nasa survey rin ang ilan pang celebrities ngunit hindi sila nakapasok sa Magic 12.

Kabilang dito ang Pilipinas Got Talent judge na si Robin Padilla (14-19, 26.2%), Quezon City Mayor Herbert Bautista (14-9, 26.2%), TV Patrol anchor Ted Failon (14-19, 25.6%), at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes (20-25, 16.8%).

Kasama rin sa pinagpilian sa survey sina dating Manila Vice Mayor Isko Moreno (20-27, 13.9%), dating tagapayo ng Face To Face at chief ng Public Attorney’s Office na si Atty. Persida Acosta (22-27, 12.8%), at Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez (27-37, 8.1%).


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson naman ay malayo ang puwesto sa survey.

Nakakuha lamang siya ng 1.3 voting percentage at nasa ika-40 hanggang ika-56 na puwesto base sa listahan.  



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN