Kris Aquino calls ex-husband James Yap "abusive hypocrite," "fake," "user"

IMAGE Photo grab from You Tube / Instagram

Kris Aquino says she is done with keeping quiet and is tired of being taken advantage of by ex-husband James Yap, whom she called a "hypocrite" and a "user."


Tinawag na "abusive hypocrite," "deadbeat dad," "user," at "fake" ni Kris Aquino ang dating asawang si James Yap.

Base ito sa sagot ng TV host-actress sa ilan niyang followers sa Instagram ngayong Biyernes, April 20.

Naging masigasig si Kris sa pagsagot sa netizens na nag-react sa kanyang post kung saan binatikos niya si James.

Sa mahabang Instagram post ni Kris, inilahad niya ang dahilan kung bakit hindi na nakikipagkita si James kay Bimby.

Ito ay dahil wala na raw sa kapangyarihan ang pamilya ni Kris.

Ginawa ni Kris ang post matapos idaan ni James sa Instagram ang pagbati sa anak nilang si Bimby sa ika-11 kaarawan nito kahapon, April 19.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino reveals why James does not see Bimby anymore
Kris Aquino reveals why James does not see Bimby anymore

Sinagot ni Kris ang ilang IG followers niya upang depensahan ang sarili at kung bakit siya nag-post laban kay James.

BATTLE OF EGOS. Mensahe ng isang netizen, ang nangyayari kina Kris at James ay labanan ng ego.

Nakalulungkot daw na ang anak nila ang maaapektuhan sa kanilang away. 

Pero nauunawaan daw nitong naglalabas lang ng “bitterness” si Kris sa kanyang post.

Sabi naman ni Kris, deserve niyang magkaroon ng ego, lalo pa’t mag-isa niyang itinaguyod ang anak at ipinagtanggol sa pamba-bash, na hindi ginawa ng ama nito.


Komento naman ng isa pang netizen, wala na ang dating Kris na tahimik.

Sagot dito ni Kris: “Actually this has always been Kris… but now she realize she was done playing nice w/ an abusive hypocrite.”


May nagkomento ring kawawa raw si Bimby sa nangyayari.

Pero ayon kay Kris, mas kawawa ang kanyang anak kung pahihintulutan niya ang panggagamit dito ni James.

Missing in action daw si James nang ma-bully at tawaging "bakla" si Bimby.


Sabi naman ng isang netizen, masyadong pinalaki ni Kris ang isyu at gusto lamang batiin ni James ang anak sa birthday nito.

Sana raw ay ma-appreciate ni Kris ang kanyang komento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot naman ng nagbabalik na aktres, hindi niya naa-appreciate ang komento ng netizen, "because you haven’t seen all the times my son has cried because of his 'father.'"


"HE'S A USER." Let go na lang, komento ng isang netizen. Hindi raw ito makabubuti kay Bimby.

Pero hindi raw ito mapapalampas ni Kris dahil "user" si James at matagal na itong nagpapanggap na mabuting ama.

“Kung di sya nagpaka plastic sa post nya, eh di wala akong reaction,” banat ni Kris.


Sabi rin ng isang netizen, wala namang masamang intensiyon si James sa post nito.

Hinimok pa nito ang dating mag-asawa na mag-usap dahil wala raw mararating ang pagkakaroon ng pride.

Sagot ni Kris, huwag sabihin sa kanya ang dapat gawin dahil walang alam ang netizen sa pinagdaanan nila at ang pang-aabuso sa kanyang pananahimik. 

Aniya, “I will be true & call out what’s FAKE when I see it.”


Payo ng isang netizen, na isa rin daw ina, huwag nang mag-expect si Kris kahit na kanino para hindi siya ma-disappoint.

Sagot ni Kris, natutunan naman niyang huwag palampasin kapag ginagamit siya at nananatiling tahimik, gaya ng ginagawa ni James.


Komento ng isa pang netizen, baka simpleng greeting lang ang ginawa ni James para sa anak.

Banat ni Kris, bakit nag-post si James at inamin pa ritong matagal na niyang hindi nakikita ang anak?

“The hypocrisy just made me,” sabi pa niya.


Payo naman ng isang netizen, sana nanahimik na lang si Kris dahil baka siya pa ang lumabas na masama dahil sa kanyang pagre-react.

Sumagot si Kris at sinabing tila namimihasa si James dahil lagi niya itong pinapalampas.

Sabi pa niya, siya ang klase ng ina na lumalaban para sa kanyang mga anak.


Wala pang post si James na nagpapahayag ng tugon niya sa mga birada sa kanya ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-iwan ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa PBA player para sa kanyang reaksiyon.

Ilalathala agad ng PEP.ph oras na magbigay ng reaksiyon si James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN