Julia Barretto, Joshua Garcia make a stand together against cyberbullying

IMAGE Nerisa Almo

Julia Barretto on negative comments about her: "I won't let these things affect me and that what really matters to me are the people who truly know me and and the things I've been through."


Natutunan na raw ni Julia Barretto kung paano magre-react sa mga paninira sa kanya.

“Maraming nag-attempt, pero kapag nakita nilang hindi nila yun pwedeng gawin sa 'yo, hindi sila nagsa-succeed sa plano nilang pabagsakin ka.”

Ito ang tugon ni Julia kay Robi Domingo sa tanong nito tungkol sa mga naranasan ng aktres sa pangbu-bully sa kanya sa Internet.

Sabi pa niya, “If you show them an attitude that you can't just be treated like a certain way, they'll step back, e.

“They'll know with your aura, your confidence.”

Stop cyberbullying ang tema ng bagong campaign ng OPPO kasabay ng launch ng bago nitong F7 smartphone, na iniendorso ni Julia at ng kanyang ka-love team partner na si Joshua Garcia.

Kaugnay nito, nagustuhan din daw nina Joshua at Julia ang ginawa nilang commercial ni Joshua, kung saan makikita ang mga pangungutyang karaniwang natatanggap niya.

Wika ng 20-year-old actor, “Gustung-gusto ko yung commercial namin kasi napakatotoo niya sa mga nangyayari.”

Sabi naman ng 21-year-old actress, “It creates awareness also. At the same time, it inspires people to have a good attitude despite the many hurtful things that people may be throwing at them.

“It's also important to have a couple of people who truly know the real you.”

Dagdag pa niya, “It speaks the truth. I was really excited because it showed how I was really in real life.

“I won't let these things affect me and that what really matters to me are the people who truly know me and and the things I've been through.

“It's their opinion that really matters.”


Stories We Are Tracking

Joshua Garcia, Julia Barretto get over third-party issue
Joshua Garcia, Julia Barretto get over third-party issue
Julia Barretto admits rough patch with Joshua Garcia
Julia Barretto admits rough patch with Joshua Garcia

THE REAL JOSHLIA. Samantala, nabanggit nina Joshua at Julia na kumpara noon, mas kilala na nila nang husto ang isa't isa.

Balik-tanaw ni Joshua, “Yung first ko siya nakasama sa movie, hindi ko pa kasi siya masyadong kilala.

“Sa ASAP naman, kapag nagkakasama kami, hindi ko siya nakakausap kasi hindi ko siya ka-close.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero noong nakasama ko siya sa movie, na-capture ko kung sino talaga siya and kung gaano kabuti ang puso niya at kung gaano siya kalambing.”

Unang nagkasama ang tambalang JoshLia sa pelikulang Vince, Kath and James noong 2016.

Nasundan ito ng dalawa pang pelikula noong nakaraang taon, ang Love You to the Stars and Back at Unexpectedly Yours.

“This guy already witnessed me at my lowest and my highest, my worst and my best,” sabi ni Julia.

Sa parte naman ni Julia, malaking tulong din daw nang magkakilala sila ni Joshua.

“I think we're on the same boat that it was a struggle for the two of us, na we had people who are doubting our capabilities and the things that we could offer.

“We got people who were judging us without even really knowing where we came from and what we were going through.

“So when I got to know him, when we got to know each other, that's when we both had the realization na this is who you are because of this.”

Sabi pa niya sa huli tungkol sa relasyon nila ni Joshua, “We got to know each other in a deeper level so we understand the people that we are today.

“He's a good person. He's a good son, he takes care of his family. He's a good partner.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN