Swedish DJ Avicii dies at 28

IMAGE Facebook

Swedish EDJ DJ Avicii passes away at age 28.


Pumanaw na ang Swedish EDM (Electronic Dance Music) DJ na si Avicii, Tim Bergling sa totoong buhay, sa edad na 28 nitong Biyernes, April 20.

Ayon sa statement na inilabas ng kanyang publicist, natagpuan umano siyang wala nang buhay noong hapon ng Biyernes.

“It is with profound sorrow that we announce the loss of Tim Bergling, also known as Avicii," ayon sa publicist.

"He was found dead in Muscat, Oman this Friday afternoon local time, April 20th. The family is devastated and we ask everyone to please respect their need for privacy in this difficult time. No further statements will be given."

Hindi lingid sa kaalaman ng fans ng DJ ang health problems ni Avicii sa loob ng maraming taon.

Nagkaroon siya ng acute pancreatitis dahil sa kanyang pag-inom ng alak.

Nakansela rin ng series of shows niya noong 2014 dahil sa sakit sa gallbladder at appendicitis.

Sumikat sa international scene si Avicii noong 2011 dahil sa awitin niyang “Levels” na naging No. 1 sa Sweden at sa US Billboard Dance Club Songs chart.

Ito rin ang nagbigay sa kanya ng Grammy nomination.

Na-nominate din siya sa Grammy's sa kantang “Sunshine” na collaboration nila ng French DJ producer na si David Guetta.

Noong 2013, naging international hit ang “Wake Me Up!” ft. Aloe Blacc mula sa kanyang debut studio album na True.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN