Elmo Magalona elated to have finally met Janella Salvador's father

IMAGE Facebook

Elmo Magalona is happy to see Janella Salvador wanting to build a relationship with her dad. "The fact na Jea now gets to bond with her dad, it makes me happy."


Nakilala na ni Elmo Magalona ang ama ng kanyang onscreen partner na si Janella Salvador, ang rock band vocalist na si Juan Miguel Salvador.

Si Juan Miguel ay sumikat bilang isa sa mga bokalista ng '80s group na Rage Band habang ang ina naman ni Janella na si Jenine Desiderio ay nakilala matapos mapabilang sa orihinal na grupo ng mga Pilipinong kinuha nung 1989 para sa West End production ng Miss Saigon, kunsaan siya gumanap bilang Kim, Gigi, at Yvette.

Ayon sa ulat ang ABS-CBN News Online, nanood sina Janella at Elmo, kasama pati ang ina ni Elmo na si Pia Magalona, ng gig ni Juan Miguel noong nakaraang linggo.

“I am also happy to have met Tito Miguel. We watched his show. The fact na Jea now gets to bond with her dad, it makes me happy,” kuwento ni Elmo.

Inamin din ng aktor na pinaalalahan din siya ng singer na alagaan ang kanyang anak. “Siyempre naman, of course, pero hindi naman madrama si Tito Miguel,” pahayag ni Elmo.

Ikinatuwa rin niya ang pagnanais ni Janella na magkaroon ng magandang relasyon sa kanyang ama. “I think we all want to be complete in our own ways.

“I think si Jea, I could tell naman that she wants to build a relationship with her father,” pahayag ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN