Arjo Atayde is very happy with girlfriend Sammie Rimando

IMAGE Instagram/@arjo atayde, @sammie

Arjo Atayde on girlfriend Sammie Rimando: "Yung pagiging totoo niya, pagiging simple niya, yung pagiging Bisaya niya. That's what got me."


Nagpahayag ng kasiyahan si Arjo Atayde sa relasyon nila ng GirlTrend member na si Sammie Rimando.

“I’m happy, very happy. She’s turning 21," sabi pa ni Arjo sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya, sa nakaraang presscon para sa natitirang huling episodes ng top-rated Kapamilya series na Hanggang Saan.

Papunta na ba relasyon nila sa kasal?

Ngumiti ang Kapamilya actor at saka nagsalita, “Let’s see. Only God can tell, only time can tell.  Why would you get into a relationship if you’re not looking forward to be with that person anyway.  So, it’s waste of time if you’re not, ‘di ba?

“So, why not? If we’ll be given the opportunity? Oh, yeah.”

Gaano na ba katagal relasyon nila ni Sammie?

Tugon ni Arjo, “Going one year na.  We’ve been dating for two years.”

SIMPLE AND REAL. Sa dinami-dami ng mga babae at sikat sa showbiz bakit si Sammie?

“Simplicity... Sa pagiging totoo,” mabilis na sagot ng 27-year-old actor.

“I’m not saying na everyone is plastic. Yeah, yung pagiging totoo niya, pagiging simple niya, yung pagiging Bisaya niya. That’s what got me. So...

“So, 'ayun it’s more of the simplicity, yung pag-aalaga niya sa akin and the way she teaches me, the way how compatible we are. 

“People can’t see it, they can only hear it but never see it.  Because it’s my life, it’s my personal life.

“But as far as I’m concerned, I’m so happy.”

Paano ba sila nagkakilala?

“Ahm, summer station ID… Two years ago, 2016. “

Love at first sight ba agad ang nangyari?

“No, several times ko pa siyang nakita.”

Paanong na-develop ang interes niya kay Sammy?

“The traits that I have told you, simplicity, alaga, thoughtful. God-fearing…sobrang god-fearing na tao,” sagot ni Arjo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman sabi ng family niya sa pagkakaroon ng love life?

“Just to focus sa work and I’m old enough to know what to do, so, ‘ayun,” pagtatapos ni Arjo.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN