Maine Mendoza's manager doesn't believe that Maine's fans started Jasmine Curtis-Smith/starlet issue

IMAGE @celestetuviera and @johnpagadu on Instagram

Maine Mendoza's manager and Triple A Management president Rams David doesn't believe that one of Maine's fans called Jasmine Curtis-Smith (right) a "starlet": "Binabasa ko siya, tinitingnan ko ang account pero would you believe, lahat ng accounts, zero? I could say bogus, troll, so maaaring may mga nagpakawala or may naglalabas ng ganyang isyu para umikot or magkaroon ng away, gulo."


Tila hindi na napigilan ng tumatayong president ng Triple A Management na si Rams David na magsalita at magbigay ng pahayag tungkol sa lumabas na bali-balitang tinawag daw ng mga fans ni Maine Mendoza ang bagong Kapuso star ni si Jasmine Curtis-Smith na isang “starlet.”

Dahil dito, hindi itinanggi ni Rams na unfair naman na nagiging negatibo ang dating ni Maine dahil nadadamay ito sa isyu kahit wala siyang kinalaman.

Ayon kay Rams nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon sa isang restaurant sa Quezon City, “First of all, kilala niyo po ako.

“Hindi ako pala-sagot o pala-patol sa kung anumang isyu.

“Minsan nga, kahit sobrang below-the-belt na, hindi talaga ako pumapatol.

“Never po akong pumatol.

“Kasi, panuntunan ko po, kung hindi naman totoo, bakit ako papatol?

“At the same time, bakit pa natin palalakihin ang mga bagay-bagay na hindi na natin kailangang palakihin.

“At the same time, pinalaki ho ako ng magulang ko na hindi palaaway. Hindi talaga.

“I really hate fighting, I really hate negativity.”

NO ISSUE WITH JASMINE. Wala rin daw silang anumang problema kay Jasmine at lalo na sa pagiging isang Kapuso nito ngayon.

Kuwento ni Rams, “Tungkol po kay Jasmine, wala naman po kaming problema sa kung anuman ang nangyayari sa career ng bata.

“Unang-una, nakatrabaho namin siya at producer rin ako ng APT Entertainment at ginawa namin ang IYAM (Imagine You and Me) na ginawa sa Italy at naging maganda ang working relationship ng APT at ni Jasmine and her management—si Betchay [Vidanes] na longtime friend ko.

“We both started in the '90s and Betchay knows that. Wala akong matandaang negativeness sa relationship.

“As a manager, I welcome her and happy ako kung ano ang nangyayari sa kanya...

“Na belong na siya sa GMA or artist na siya ng GMA, that is very good and it’s a good decision, I think.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para may ownership na siya ng network, kasi wala namang nag-o-own sa kanya after TV5.

“So, it’s not an issue at all.”

APPEAL TO MAINE'S FANS. Nasulat na tinawag nga raw ng fan ni Maine na starlet ang kapatid ni Anne Curtis. At may mga iba pang nagbigay ng komento nila nang lumabas ito.

“That’s harsh.

“I don’t believe na may starlet. Di ba, sabi nga ng lahat, every one deserves a corner in show business.

“Lahat 'yan star, walang starlet. And for me, lahat ‘yan artist. I’d rather call them artist than star.

“Star ka nga, wala ka namang talent. E, di dun ka na lang sa pagiging artist, parang mas masarap pakinggan yung artist, ‘no?

“Dun sa mga nagsasabing galing daw yun sa fans ni Maine, na-confirm ba nila?

“Ako, naba-bash din ako, most of the time.

“Maraming nagagalit sa akin, as in personal na.

“Nandung minura ako, nilait ako.

“Pisikal, pamilya ko—lahat na. Pagkatao ko, as in niyurak-yurakan na.

“Pero never po akong nag-react, never.

“Binabasa ko siya, tinitingnan ko ang account pero would you believe, lahat ng accounts, zero?

“I could say bogus, troll, so maaaring may mga nagpakawala or may naglalabas ng ganyang isyu para umikot or magkaroon ng away, gulo.

“Para rin naman sa mga nagmamahal kay Maine or sa Aldub, kapag may nabasa po tayong ganun, ang hirap din naman kasi.

“Alam ko, kung minsan, nauudyok tayo.

“Kapag may sumagot ng, 'Oo nga,' parang sinuportahan natin ang negativeness ng kung sino man yun. So, iwasan natin.

“I’m calling out sa lahat ng mga fans, alam kong mababait,” pakiusap ni Rams.

“CHECK YOUR FACTS.” Hindi raw puwedeng i-generalize na kapag may nagkomento o nag-bash na nagpapakilalang fan ni Maine ay tumutukoy na ito sa pangkalahatang fans ng phenomenal star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mismong siya raw, nakakasalamuha at nakakausap niya ang karamihan sa mga fans talaga ng dalaga.

Kamakailan nga lang ay nagbigay pa ng pa-birthday party ang mga fans si Maine.

Pagmamalaki ni Rams, “Magagalang, mababait ang mga fans ni Maine and some are Aldub, wala akong nakitang negativeness, it’s all positive.

“Sabi nga nila, sa rami po ng ginawa namin, kapag may nakita silang pangit, pangit na lahat.

“Bakit hindi natin tingnan yung bright side, bakit palagi tayong tumitingin sa negative side?”

Ayon pa kay Rams, “Kung naba-bash man si Jasmine, I’m really sorry, anak, kasi ganun sa showbiz.

“Pero tingnan din natin. I-compare natin.

“And from our friends from the press, alam ko naman po, gusto niyong sumulat ng mga istorya, mga news, try to check din po kung sino ang source, kung totoo.

“Sana lang, huwag din tayong... sana run sa iba, 'wag maging biased.

“Maging pantay tayo, maging fair sa pagbabalita.

“Wala hong ginagawang masama si Maine sa inyo, walang sinasabi, tahimik lang ho yung bata sa totoo lang.

“Yun lang ang pakiusap ko sa mga kaibigan natin sa entertainment press, to be careful also kasi, nabibigyan din ng ibang kulay, e.”

MAINE IS A PROUD KAPUSO. Nilinaw din ni Rams na bagamat under sa Triple A Management si Maine, isa siyang certified Kapuso.

Aniya, “She may not be under network contract or under GMA Artist Center, but her love and loyalty is with GMA.

“Please… mga ma’am, mga sir, her love and loyalty is with GMA.

“I would also like to ask for your love. She’s a Kapuso.

“She may not have a network contract as an artist, but she’s with Eat Bulaga.

She’s guesting in other shows of GMA and she’s a Kapuso, so we consider her as a Kapuso.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MESSAGE FOR MAINE'S FANS. Sa huli, direktang nagbigay ng mensahe ang manager ni Maine sa mga tagahanga nito.

Lahad niya, “Ang daming nagme-message sa akin, thanking my attitude kung paano ko hinaharap ang situation.

“Salamat po at naiintindihan niyo ko.

“Hindi po ako manager na nakaupo lamang at tumatanggap ng project basta-basta.

“Tumutulong din po ako sa pagsulong ng career ng bata and it’s just that we’re waiting for the right projects for her.

“Sa mga nangba-bash, itigil na natin. Ayaw rin ni Maine ng ganyan.

“Kung mahal niyo po si Maine, bakit hindi natin siya suportahan kung ano ang nangyayari sa kanya?

“Hindi yung hanap tayo nang hanap ng wala, hanap tayo nang hanap ng hindi nangyayari.

“Kung ano ang mangyayari, let’s support her.

“Kung ano man po yung nakakasabay niya or meron siyang... alam kong seloso po kayo.

“Yun ang number one traits ng mga fansseloso.‘Wag pong ganun.

“Marami pong artista pa rin. Marami rin pong fans na humahanga sa ibang artista at maging sila rin, mahal din po nila ang mga idols nila.

“So, di ba puwedeng mas mahalin na lang natin ang idol natin, suportahan natin sila kesa mang-away o manira?

“Kasi po, kanino po nagre-reflect, nagre-reflect kay Maine. Sino negative? Si Maine.

“E, ayaw natin yun. 'Tapos magagalit tayo kapag may naisulat.

“Bakit tayo magagalit, sa atin din nanggaling ang negative?

“If we show positive, naku sigurado ‘yan, magiging maganda. 100% positive.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN