Julia Barretto slams basher who accused her of using Joshua Garcia

IMAGE @juliabaretto on Instagram / @JewelMedina3 and @BarrettoJulia on Twitter

Julia Barretto slams netizen through a long Twitter message after she was accused of using Joshua Garcia.


Ipinagtanggol ni Julia Barretto ang sarili laban sa isang basher na inakusahan siyang ginagamit lang ang ka-love team at rumored boyfriend na si Joshua Garcia.

Ito pa rin ay may kinalaman sa naging isyu ng JoshLia love team kamakailan, kung saan nag-comment si Joshua sa Instagram post ng isang female netizen, dahilan upang magkaroon ng 'di pagkakaunawaan ang dalawa.

Sa mga nakaraang panayam sa rumored couple, parehong sinabi nina Joshua at Julia na napag-usapan at naayos na nila ang pinagdaanang isyu.


Stories We Are Tracking

Joshua Garcia, Julia Barretto get over third-party issue
Joshua Garcia, Julia Barretto get over third-party issue
Julia Barretto admits rough patch with Joshua Garcia
Julia Barretto admits rough patch with Joshua Garcia

Isa namang netizen na may handle name na @JewelMedina3 ang patuloy na nagtu-tweet kay Julia at inakusahan siyang "user."

Ito ay matapos na mag-post si Julia ng litrato kasama ang Riverdale actor na si Cole Sprouse, na bumisita sa Pilipinas kamakailan.

Makikita sa litrato na nakayakap ang Kapamilya actress kay Cole.


Sabi ng netizen kay Julia, "E lalabas at lalabas din naman ang totoo. This is her worth & value (in the presence of other men). The nerve with great acting pa to tell the world that 'he has to gain my trust.' @BarrettoJulia

"Arte arte pag ke Josh. Kapag sa iba kahit pa fan siya, dikit kung dikit. She knows her worth & value as a person nga naman. Tsk tsk tsk"


May nag-comment rin na isa pang netizen tungkol sa pagkakaroon ng solo project ni Joshua sa 2019.

Sumagot naman dito si @JewelMedina3 at sinabing, "Yes Can’t wait for solo Josh in 2019. Ditch the user @BarrettoJulia"


Kagabi, April 21, ay sinagot ni Julia ang netizen sa pamamagitan ng isang mahabang tweet.

Pinangaralan ni Julia ang netizen at sinabing wala siyang karapatang i-attack ang kahit na sino dahil sa isyung pinagdaanan ng JoshLia love team.

Sabi niya, "I also believe that how it's affecting you emotionally does not give you the right to attack anyone, particularly me, if you don't even know what's happening behind the cameras and social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You don't understand the gravity of the situation and you simply can't hate what you can't understand."

Ayon pa sa anak ni Marjorie Barretto, hindi lahat ay alam kung ano ang nangyayari sa JoshLia sa likod ng kamera, "for everything you all see and hear are only the things we choose to share."

Patuloy pa ni Julia, "I don't think you understand the amount of love and respect both Joshua and I have for each other. The things we both do to protect each other for strength just so we don't give the people who are trying to put us down the power to actually put us down. We will get up and stand up together."

Narito ang kabuuan ng sagot ni Julia sa netizen:



 
 

Sa ngayon ay wala pang reaksyon ang netizen sa naging sagot ni Julia.


Stories We Are Tracking

JoshLia makes a stand against cyberbullying
JoshLia makes a stand against cyberbullying
Kris tells Joshua:
Kris tells Joshua: "Can you please behave?"
Julia slams third-party rumor involving Joshua
Julia slams third-party rumor involving Joshua
Female netizen clarifies private message from Joshua Garcia
Female netizen clarifies private message from Joshua Garcia


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN