Diva Montelaba admits hard time moving on from breakup with Steven Silva

IMAGE Mark Atienza

Diva Montelaba on settling down: "Nasa tamang timing lang ang pagpapakasal at pagkakaroon ng sariling family. Sa ngayon, hindi pa mangyayari 'yan."


Two years na ang relationship ng Kapuso actress na si Diva Montelaba sa isang non-showbiz guy, na na-meet niya through common friends.

Second boyfriend pa lang daw niya ito after ng four-year relationship niya with StarStruck V Ultimate Male Survivor Steven Silva.

Ayon kay Steven, “Steven was my first boyfriend talaga.

“Noong mag-break kami after four years, wala akong in-entertain na suitors.

"Na-heartbroken ako for almost a year.

“Matagal bago ako naka-move on. Pero I found a way to cope with it.

“I went out with my friends, I took dance classes, eventually I started dating na rin.

“Doon ko na-meet ang boyfriend ko ngayon.

“He’s a very private person kaya kahit sa mga social media accounts ko, hindi ko siya isinasama sa mga post ko.

“I respect his privacy kaya as much as possible, chill lang kami.

“Gusto ko rin na parang man of mystery siya!” tawa pa niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng GMA-7 prime time teleserye na The Cure, sa Le Reve Events Venue, Quezon City, noong April 17.

NOT YET READY TO GET MARRIED. Wala pa raw planong magpakasal si Diva dahil marami pa siyang gustong gawin para sa pamilya niya.

Saad niya, “Ay, hindi pa. Wala pa akong suot na engagement ring, di ba?

“Alam naman ng boyfriend ko kung ano ang mga gusto ko pang gawin sa buhay.

“Tinutulungan ko pa ang family ko at natutuwa siya sa ginagawa kong iyon.

“'Tsaka bata pa naman kami. Alam ko rin na he wants to do lots of things sa buhay niya.

“Nasa tamang timing lang ang pagpapakasal at pagkakaroon ng sariling family.

“Sa ngayon, hindi pa mangyayari ‘yan.” 

NO MORE BEAUTY PAGEANTS. Aminadong isang kontesera ang Kapuso actress na si Diva Montelaba.

Palasali sa beauty pageants si Diva noon sa kanyang hometown sa Cebu at madalas siyang manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang pasukin niya ang showbiz via StarStruck V noong 2009, kunsaan hinirang siyang First Princess, marami ang nag-udyok na sumali siya sa national beauty pageants tulad ng Binibining Pilipinas, Mutya Ng Pilipinas, at Miss World Philippines.

Taglay kasi niya ang height, morena features, at ang talino para makoronahan bilang isang major beauty queen at mag-represent ng bansa sa international beauty pageants.

Pero sa edad niyang 26 anyos, hindi na inaambisyon pa ni Diva sumali sa beauty pageants dahil masaya na raw siya sa trabaho niya sa showbiz.

Ayon kay Diva, “Ayoko rin namang pasukin ang isang bagay na hindi ko mabibigay nang buo ang sarili ko.

“Naa-appreciate ko ang mga naniniwala sa akin, pero ako pa rin naman ang makakapagdesisyon kung gusto ko o kung kaya ko ba.

“Malaki kasi ang isasakripisyo ko kapag sumali ako ng isang national beauty pageant. Para kasing magsisimula ulit ako.

“Dadaan ka sa ilang months of training and rehearsals. Paano na ang work ko, di ba?

“Bilang breadwinner ng family, importante sa akin ang magkaroon parati ng trabaho at thankful ako sa GMA-7 sa pagbigay sa akin ng mga projects parati.

“Masaya ako sa ginagawa ko ngayon dahil tuluy-tuloy lang lahat. Hindi ako nababakante.

“Kaya ang beauty pageants, kinalimutan ko na talaga.

“Kumbaga, tinapos ko na ang chapter na ‘yan ng buhay ko.” 

NEW TELESERYE. Natutuwa naman si Diva dahil pagkatapos ng huling teleserye niyang Haplos ay babalik ulit siya sa prime time via The Cure.

Pahayag niya, “Happy ako kasi nasa prime time teleserye na ulit ako.

“Yung last ko pa yata sa prime time was Beautiful Strangers pa.

“Dito sa The Cure, girlfriend ako ni Jay Manalo na mahilig mag-vlog at pinu-post sa social media.

“Si Jay kasi dito, head of security siya ng isang medical facility kunsaan nagsimula yung virus.

“Dahil sa isang vlog ko, nalaman ng marami na may kung anong epidemya na nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nagkaroon ng panic after nilang mapanood yung vlog ko.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN