Viral billboard suitor Xian Gaza receives indecent proposal days after release from prison

IMAGE Facebook page of Xian Gaza

Last April 19, Xian Gaza shared on his Facebook page his recent experience about getting an indecent proposal just a few days after getting released from prison.


Ilang araw matapos niyang makalabas sa bilangguan, nakatanggap ng isang indecent proposal ang viral billboard suitor na si Xian Gaza.

Noong Huwebes, April 19, ay ibinahagi ni Xian sa kanyang Facebook page ang pagmensahe sa kanya ng isang netizen na nag-aalok ng pera na may kapalit.

Base sa screenshots na kanyang ipinost, inalok siya ng ten thousand pesos ng isang netizen na tinawag niyang "Madam," kapalit ng pagpunta niya sa bahay nito.

Sabi pa ng nag-message sa kanya, "Magtalik tayu iho."

Pagkatapos tumanggi ni Xian sa pamimilit ng netizen ay sinagot na lamang niya ito ng "NYEAM."

Pabirong inilagay naman ni Xian sa kanyang post, "NEED NA NEED KO NG KWARTA NGAYON GUYS, G NA BA KO KAY NANAY?! HAHAHAHAHA! YUCKS! LOL"

Si Xian ay nakilala nang imbitahan niyang mag-coffee date ang aktres na si Erich Gonzales sa pamamagitan ng billboard.

Noong April 12, 2018 ay sumuko si Xian sa Malabon Police Station, matapos niyang lumabag sa Batas Pambansa (BP) 22 o ang Anti-Bouncing Checks Law.

Biktima diumano ni Xian sa isang investment scam sina Jaime Asuncion at Melinda Cruz.

April 14 naman nang nakapag-post ng bail bond ang viral billboard suitor turned scammer ng halagang P126,000.


Stories We Are Tracking

Xian Gaza released from prison after posting bail
Xian Gaza released from prison after posting bail
Viral billboard suitor Xian Gaza has not posted bail yet
Viral billboard suitor Xian Gaza has not posted bail yet
Xian Gaza surrenders to Malabon police; claims bankruptcy
Xian Gaza surrenders to Malabon police; claims bankruptcy
Two arrest warrants issued against Xian Gaza
Two arrest warrants issued against Xian Gaza


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN