Kris Aquino slams Korina Sanchez, Rated K over James Yap feature

IMAGE @krisaquino / @thisiskorinasanchez on Instagram

Kris Aquino (left) lambasts Korina Sanchez (right) and her Rated K TV show for airing a feature about James Yap. The actress-TV host recalled how she supported the candidacy of Korina's husband Mar Roxas for presidency in 2016. She said, "Pinepersonal ko dahil binuwis ko ang kinabukasan namin ng mga anak ko ng walang inasahang kapalit. At ang ganti sa kin at sa mga anak ko ngayon ay binida pa ang deadbeat na tatay..."


Muli ay naglabas ng saloobin si Kris Aquino tungkol sa isyu nila ng dating asawang si James Yap.

Ngayon naman ay binanatan niya ang TV host na si Korina Sanchez at ang programa nito sa ABS-CBN na Rated K.

Ngayong gabi, April 22, naglabas ng taped feature si Korina tungkol kay James, sa asawa nitong si Michela Cazzola, at ang anak nilang si Michael James.

Hindi nabanggit sa nasabing panayam si Kris at ang anak nito kay James na si Bimby Aquino Yap.

Tila hindi nagustuhan ni Kris ang ginawang pag-feature ng programa ni Korina sa pamilya ng dating asawa.

Inere ang nasabing episode dalawang araw matapos maglabas si Kris ng sama ng loob tungkol sa kanyang dating asawa at sa pagiging pabaya nito diumano sa kanyang mga responsibilidad bilang ama ni Bimby.

Sa kanyang Instagram post ilang oras matapos ang feature sa Rated K ay isinumbat ni Kris ang naging pagsuporta niya sa kandidatura noon ni Mar Roxas, asawa ni Korina.

Ito ay dahil sa pag-eendorso ng kapatid ni Kris at dating presidenteng si Benigno "Noynoy" Aquino III kay Mar bilang Presidente.

Nabanggit din sa nasabing post ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte (PRRD).

Saad ni Kris, "i have really had ENOUGH.

"Simple lang- minsan lang akong pinakiusapan ng kapatid ko- never para sa sarili nya pero para sa kandidatong inendorso nya.

"Dahil mahal ko sya ginawa ko. Lahat ng batikos ng dahil sa pagtulong na yon tinaggap ko...

"Tatlong beses akong nagpunta sa Davao- sa kampanya nung 2010, kampanya 2013 para kay Sen Chiz & Sen Grace at nung nag Kris Tv.

"Si PRRD lahat nung pagkakataon na nagkaharap kami, mabuti ang pinakita sa kin."

Ayon pa kay Kris, sampal sa kanya ang ginawang feature ng programa ni Korina, na tinawag lang niyang "misis ni Mar Roxas."

Pagpapatuloy niya, "Sampal sa mukha ko ang inilabas na feature ngayong gabi nung misis ni Mar Roxas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes pinepersonal ko dahil binuwis ko ang kinabukasan namin ng mga anak ko ng walang inasahang kapalit.

"At ang ganti sa kin at sa mga anak ko ngayon ay binida pa ang deadbeat na tatay..."

Sa huli, sinabi ng 47-year-old TV host-actress na malinaw na sa kanya kung bakit si President Duterte ang nanalo sa 2016 Presidential elections.

"I apologize sa Kuya ko, humihingi rin ako ng paumanhin sa ninang ko na nanay ni Mar- pero klarong klaro sa kin kung bakit ang nanalong Pangulo ay si DUTERTE."

Kasama sa post ni Kris ang litrato nila ni President Duterte sa isang episode ng Kris TV.

Dating naging co-hosts sina Kris at Korina sa Morning Girls with Kris and Korina, na tumakbo ng tatlong seasons sa ABS-CBN mula January 2003 hanggang May 2004.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pahayag nina Kris, Korina, at James tungkol sa isyung ito.

i have really had ENOUGH. Simple lang- minsan lang akong pinakiusapan ng kapatid ko- never para sa sarili nya pero para sa kandidatong inendorso nya. Dahil mahal ko sya ginawa ko. Lahat ng batikos ng dahil sa pagtulong na yon tinaggap ko... Tatlong beses akong nagpunta sa Davao- sa kampanya nung 2010, kampanya 2013 para kay Sen Chiz & Sen Grace at nung nag Kris Tv. Si PRRD lahat nung pagkakataon na nagkaharap kami, mabuti ang pinakita sa kin. Sampal sa mukha ko ang inilabas na feature ngayong gabi nung misis ni Mar Roxas. Yes pinepersonal ko dahil binuwis ko ang kinabukasan namin ng mga anak ko ng walang inasahang kapalit. At ang ganti sa kin at sa mga anak ko ngayon ay binida pa ang deadbeat na tatay... I apologize sa Kuya ko, humihingi rin ako ng paumanhin sa ninang ko na nanay ni Mar- pero klarong klaro sa kin kung bakit ang nanalong Pangulo ay si DUTERTE. ????

A post shared by Kris C. Aquino (@krisaquino) on


Stories We Are Tracking

Kris Aquino continues to take a swipe at James Yap
Kris Aquino continues to take a swipe at James Yap
Kris calls James
Kris calls James "abusive hypocrite," "fake," "user"
Kris Aquino reveals why James does not see Bimby anymore
Kris Aquino reveals why James does not see Bimby anymore


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN