Michela Cazzola stays away from issue between Kris Aquino and James Yap

IMAGE Instagram / You Tube

Michela Cazzola, James Yap's partner, reacts to the issue involving the basketball player and his ex-wife Kris Aquino.


Nag-react si Michela Cazzola sa isyung kinasasangkutan ng kanyang partner na si James Yap at dating asawa nitong si Kris Aquino.

Na-beast mode si Kris kay James dahil sa Instagram post ng basketball player na birthday greeting para sa 11th birthday ng kanilang anak na si Bimby.

Ani Kris, ginagamit lamang diumano ni James si Bimby kahit na hindi ito nagpapaka-tatay sa kanilang anak.

Tinawag pa ni Kris si James na “user,” “deadbeat dad,” “hypocrite,” at “fake.”


Stories We Are Tracking

Kris calls James
Kris calls James "abusive hypocrite," "fake," "user"
Kris Aquino continues to take a swipe at James Yap
Kris Aquino continues to take a swipe at James Yap

MICHELA REACTS. Nitong weekend, nag-post ang Italian girlfriend ni James ng kanilang family picture habang nasa pool.

Isang netizen ang nag-message kay Michela at tinanong kung bakit hindi niya sabihan si James na sustentuhan si Bimby, gaya ng nakasaad sa batas.

Sumagot si Michela.

Aniya, hindi siya nakikialam sa isyung hindi siya kasali.

Pinayuhan din niya ang netizen na huwag din itong makialam.


Sinuportahan ng netizens ang sagot ni Michela.

Sinundan ni Michela ang kanyang sagot ng tila reaksiyon sa nangyayaring isyu sa pagitan nina James at Kris.

Ayaw raw niyang makisawsaw sa isyu.

Kumplikado raw ang reyalidad at ayaw rin niyang manghusga.

Pahayag ni Michela, “Actually nothing newsworthy from me, am just saying that reality is complex in general, and I don’t like to judge people. Who are we to judge?”


 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN