Kris Aquino stands by accusation against Korina Sanchez: "Nanadya kaya lumaban ako."

IMAGE Instagram (@krisaquino and @thisiskorinasanchez)

Kris Aquino (left) says she is not friends with Korina Sanchez (right) and won't apologize for her post against the ABS-CBN news anchor/host. 


Naninindigan si Kris Aquino na "nanadya" si Korina Sanchez sa pag-feature ng programa nitong Rated K kay James Yap, sa gitna ng hidwaang nangyayari ngayon sa pagitan ng dating mag-asawa.

Sa episode ng magazine show ng ABS-CBN nitong Linggo, April 22, na-feature si James at ang kanyang bagong pamilya—ang partner niyang si Michela Cazzola at ang kanilang sanggol na anak.

Ipinalabas ang episode dalawang araw mag-post ni Kris ng mensahe sa Instagram laban sa basketball player dahil sa diumano’y panggagamit sa kanilang anak na si Bimby para magmukhang mabuti itong ama.

Pagkatapos umere ng episode ng Rated K, pinatutsadahan ni Kris si Korina, na bagamat di niya direktang pinangalanan ay tinukoy niya bilang "misis ni Mar Roxas."

Sinagot din ni Kris ang ilang netizens kaugnay ng akusasyon niyang nanadya si Korina sa pag-feature kay James sa latest episode ng kanyang show.

Nasali pa sa Instagram post ni Kris ang asawa ni Korina na si Mar Roxas, ang kapatid ni Kris na si dating Pangulong Noynoy Aquino, pati na rin si Pangulong Rodrigo Duterte.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino slams Korina Sanchez over James Yap feature
Kris Aquino slams Korina Sanchez over James Yap feature
Kris calls James
Kris calls James "abusive hypocrite," "fake," "user"

PERFECT CONTEXT. Pero ano nga ba ang pinanggagalingan ni Kris at nagpupuyos ang kanyang damdamin sa pagkaka-feature ni James sa Rated K nitong Linggo?

Isang netizen ang nagpaliwanag sa posibleng pinanggagalingan ni Kris.

Ayon sa netizen, ang ikinasasama ng loob ni Kris ay mali ang timing ng pag-feature ni Korina kay James, lalo pa’t ang mister ng Rated K host na si Mar Roxas ang sinuportahan ni Kris noong 2016 national elections, hindi si Duterte.

“Para bang nakalimot [si Korina] na sa nagawa at nabigay niya na tulong," comment ng netizen.

“All @krisaquino wants I think is the thing called DELIKADEZA and RESPECT for the sake of their friendship na pinagsamahan ng kanilang family while she is still in her rant with JY (James Yap].”

Tinawag ni Kris na “perfect context” ang mensahe ng netizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


NOT FRIENDS WITH KORINA. Nagtanong ang isang netizen kung hindi ba magkaibigan sina Kris at Korina.

Nagsama pa ang dalawa sa dating TV show ng ABS-CBN, ang Morning Girls with Kris and Korina, na umere mula January 2003 hanggang May 2004.

Sagot ni Kris, obvious na hindi sila magkaibigan ng dating co-host niya.

Sa tanong na trabaho lang at walang personalan ang ginawa ni Korina, ani Kris, “Hindi mahirap na trabaho ang magkaron ng delicadeza.”


Banat pa ni Kris, pumayag siyang isama ang mga anak na sina Josh at Bimby para sa campaign TVC ni Mar noon.


Hindi ba siya magso-sorry kay Korina dahil sa nangyari?

“No,” diretsong sagot ng 47-anyos na TV host-actress.


Dalawang dekada rin daw nagtrabaho si Kris sa TV kaya alam niya ang nangyayari sa isang programa.


Sa dalawang comments ay idiniin ni Kris na nanadya si Korina.



Sabi pa niya sa isang netizen, “may say” ang isang host sa topic ng episodes, lalo na kung siya rin ang producer.


ON DRAGGING DUTERTE. May netizens ding nag-akusa kay Kris na ginagamit daw nito si Pangulong Duterte sa isyung ito para paboran siya ng Pangulo.

“Brilliant is more like it,” tugon ni Kris.

Ginagamit lang daw niya ang kanyang utak .


Sinabi pa ng isang netizen na ginagawa ito ni Kris upang makahingi ng pabor sa kasalukuyang administrasyon.

Sagot ni Kris, wala siyang hinihinging pabor.

Kung tutuusin daw ay milyun-milyong piso ang ibinabayad niya sa kanyang buwis.

“I think I’m getting a THANK YOU," komento niya.


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN