JM de Guzman on life after rehab: "It's a life-long struggle or fight."

IMAGE Noel Orsal

JM de Guzman holds on to his support group as his rehabilitation continues, "Kasi ang recovering naman po kasi, hindi naman natatapos agad. It's a life-long struggle or fight."


Sa unang pagkakataon ay humarap sa media si JM de Guzman matapos ang matagal na pagkawala sa showbiz.

Halos tatlong taon ding hindi nakita ang 29-year-old actor sa anumang teleserye o pelikula.

Ito ay dahil sumailalim siyang muli sa rehabilitasyon dahil sa pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Malaki raw ang pasasalamat ni JM na sa ikalawang pagkakataon ay binigyan siya ng ABS-CBN ng pagkakataong makabalik sa telebisyon.

Ito ay sa pamamagitan ng upcoming afternoon drama na Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi.

“Initial feeling ko po ay sobrang kabado, pero ngayon mas nangingibabaw po yung nao-overwhelm ako ng saya.

“Sobrang grateful lang po talaga ako,” sabi ni JM sa entertainment reporters sa press conference ng Araw Gabi nitong Lunes ng tanghali, April 23.

Aminado si JM na nang muli siyang pumasok sa rehabilitation center, nawala na ang pag-asa niyang muling makabalik sa showbiz.

“Yung expectations ko, tinanggal ko na, e,” pag-alala ng dating That Thing Called Tadhana actor.

“Noong time na pinayagan ako ng rehab to reintegrate and make amends dun sa mga taong...

“Sa ABS, noong pumunta po kami rito, wala po kaming ini-expect.

“Nagulat nga po ako na mayroon silang plano for me.”

Dahil daw dito, “Sobra ko pong naa-appreciate and every second kina-count ko siya para ma-remind ako na huwag mapunta sa ulo ko, pahalagahan ko, at laging pasalamatan.”


Stories We Are Tracking

JM de Guzman opens up about drug abuse issue
JM de Guzman opens up about drug abuse issue
JM de Guzman admits giving up on showbiz after second rehab
JM de Guzman admits giving up on showbiz after second rehab

LIFE-LONG STRUGGLE. Bagamat nagsimula nang muli magtrabaho si JM, patuloy pa rin daw ang therapy session niya kada buwan.

Umaasa rin siyang sa tulong ng kanyang matibay na support group ay hindi na siya muling mapupunta sa dati niyang pinagdaanan.

“Yung gabing darating, parang hindi naman po mapipigilan yun sa tao, di ba?

“Pero ngayon po, dahil sa pinagdaanan ko, mas scaled na yung coping skills ko para ma-manage ko na ang sarili ko sa oras ng dilim.

“May support group po ako na hindi binibitawan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay nito, patuloy rin daw iniisip ni JM na kailangan pa rin niya ng tulong para hindi siya mapariwarang muli.

“Kailangan maging humble enough pa rin ako to seek help.

“Kasi ang recovering naman po kasi hindi naman natatapos agad.

“It's a life-long struggle or fight.

“[Kung] tumigil ako ng tulong o support, doon ako puwedeng madapa po ulit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN