Barbie Imperial gets go-signal from by BF Paul Salas to accept sexy role

IMAGE Noel Orsal

Barbie Imperial on handling bashers: "Siguro noong una po, umiiyak pa talaga ako na parang hindi ko kakayanin. Pero noong nasanay na po ako, tatlong taon na po ako sa showbiz, parang wala na lang."


Aminado si Barbie Imperial na hindi maging madali ang pagbabago niya ng image para sa kanyang bagong TV project, ang upcoming ABS-CBN afternoon sexy drama na Araw Gabi.

Mula sa teenybopper roles, agad na sasabak sa pagpapaseksi ang 19-year-old Kapamilya artist kasama ang nagbabalik na si JM de Guzman.

“Mahirap siya kasi po sa pamilya namin, ako po yung pinakabunso, 'tapos babae pa.

"So, medyo mahirap din ang adjustment.

“Kasi, from mga pabebe na role lang, biglang isang iglap, nandun na po ako sa medyo mature na role,” sabi ni Barbie sa press conference ng Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi, na ginanap nitong Lunes, April 23.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na may boyfriend ngayon si Barbie—ang dating You're My Home actor na si Paul Salas.

Ayon kay Barbie, hindi isyu kay Paul ang gagawin niyang pagpapa-sexy sa Araw Gabi.

Sa katunayan, aniya, “Si Paul po ang nagsabi sa akin na mag-audition.”

Sinasabi rin daw ni Barbie kay Paul kung anu-ano ang mga eksenang gagawin niya, pati na intimate scenes kasama si JM.

You and me only end of story.

A post shared by Paul Salas (@salas.paul) on

SENSUAL WORKSHOP. Para magawa niya nang tama ang role, sumailalim si Barbie sa tinatawag na sensual workshop.

Lahad niya, “Noong una, iniisip ko pa lang po, naiilang na ako, kasi hindi po ako sanay sa ganung role.

“Nag-workshop po kami ni JM, kaming dalawa po.

“Meron din kaming solo workshop kung paano ako mag-act nang mas mature.

“Yung sa amin po ni JM, meron din po kaming mga ginawa, sensual workshop.

“Noong una po, medyo awkward pa, pero ginusto po naming gawin para mas madali.

“Parang ito na, gagawa na talaga tayo, kaya ayun, mas madali na.”

Kung sakali, okey lang ba kay Barbie na magtuluy-tuloy ang pagpapa-sexy niya sa kanyang mga susunod na proyekto?

Sagot ni Barbie, “Opo, and I think wala naman pong masama sa ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, ako naman po, kung wala namang nababastos sa amin sa taping, wala naman pong problema.

"Tulad din po ng prinamis sa amin, sexy siya, pero kapag ginagawa namin yung mga eksenang ganun, may limit po yung mga tao.

“Okay po ako dun kasi hindi po ako nababastos.”

WORTH THE WAIT. Halos tatlong taon din ang hinintay ni Barbie para magkaroon ng lead role sa isang teleserye.

Sulit naman daw ang paghihintay, ayon kay Barbie, na unang nakilala sa Pinoy Big Brother 737 noong 2015.

Aniya, “Ako naman po, siyempre may mga kaibigan ako sa showbiz na pinapaalala sa akin na hindi ganun kabilis.

“I mean, kailangan mong magsimula na nasa baba ka lang, pataas nang pataas.”

Bukod dito, tila nasanay na rin si Barbie dahil sa ilang proyekto sana niyang hindi natuloy.

“Sa buhay ko naman, personally, sanay naman ako na maghintay talaga.

“Sinanay din ako ng mama ko na... Kumbaga sa mga nauudlot na show na dapat po sa akin, masakit, e.

“Pero sinanay po ako ng mama ko na parang kung hindi ibinigay sa 'yo, baka may iba talaga na para sa 'yo.

“Ako po, naniniwala po ako doon, kasi 19 years old na po ako, parang laging nangyayari sa akin yun.

“So, naniniwala talaga ako na kung ang isang bagay ay hindi pa dumarating sa 'yo, baka hindi pa talaga yung oras o hindi pa yun ang tamang oras.

“Happy po ako na ngayon nandito na.”

ONLINE BASHING. Dahil sa pagpapalit niya ng imahe, may posibilidad na makatanggap ng mga negatibong komento si Barbie.

Pero handa na raw ang dating Pinoy Big Brother housemate sa anumang batikos na ipupukol sa kanya.

Aniya, “Medyo sanay naman na po kasi ako. Kapag galing naman ng PBB, ganun na talaga.

“Kahit wala kang gawing masama sa loob ng Bahay ni Kuya, lalabas at lalabas pa rin na may mga tao na manghuhusga sa 'yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro noong una po, umiiyak pa talaga ako na parang hindi ko kakayanin.

“Pero noong nasanay na po ako, tatlong taon na po ako sa showbiz, parang wala na lang.

“Ako kasi, sinanay ko yung sarili ko na kapag may mga ganun, babasahin ko talaga.

“Hindi ko sila iba-block, babasahin ko talaga.

“Nasanay po ako sa mga ganung salita nila, parang wala nang dating sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN