Vina Morales denies she broke up with French BF because he doesn't want to get married

IMAGE Noel Orsal

Vina Morales explains the burdens of having a long distance relationship is what caused her break-up with her French ex-boyfriend Marc Lambert.


Isang taon at kalahati na mula nang mag-break si Vina Morales at ang French businessman boyfriend niyang si Marc Lambert.

Ngunit ayon sa Kapamilya star, hindi naputol ang ugnayan nilang dalawa.

Pahayag pa niya, “We do, we still talk a lot.”

Pero hindi raw nakikita ni Vina ang posibilidad na magkabalikan sila ni Marc.

Paliwanag ng 42 year-old singer-actress, “The reason kasi is the long distance.

“So, medyo malayo, it’s one of the reasons.

“For now, it’s better this way, and my work is here and his business is there... so ayun.”


Stories We Are Tracking

Vina breaks up with French boyfriend
Vina breaks up with French boyfriend
Vina Morales moves on after breakup with French boyfriend
Vina Morales moves on after breakup with French boyfriend

Dagdag pa ni Vina, “Malayo, e.

“My work is here, e. It’s hard.

“Mahirap talagang magkaroon ng long-distance relationship, especially if it’s very serious.

“We lasted for two years and now we have different priorities.

“It’s because, of course, he lives there [abroad].

“I cannot leave my work here, lalo na ngayon may soap opera ako.

“We tape Monday, Wednesday and Friday. 

“I’m busy, medyo mahirap akong makapag-travel.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vina sa presscon ng Precious Hearts Romances: Araw Gabi, sa ABS-CBN compound, noong Lunes, April 23.

NOT BECAUSE OF MARRIAGE. Itinanggi ni Vina na ang dahilan ng pakikipagkalas niya kay Marc ay dahil hindi nito kayang ibigay ang pangarap niyang maikasal.

Diin niya, “It’s really the distance.

“We don’t really... never... in passing, we talk about it.

“But the long distance talaga ang problema, it’s hard.”

Giit ni Vina, walang ibang dahilan ng kanilang separation maliban sa long distance.

Pagpapatunay pa ng Kapamilya star, “We are, we are compatible.

“We get along very well. It’s just that the distance.

“I think in any relationship it will be a big problem if you don’t stay in one country.

“Mahirap mag-grow as... yung super serious on that level ng relationship.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang bakasyon nila sa Bali, Indonesia ang pinakahuling travel nila together.

WAITING FOR THE RIGHT ONE. Ngunit tanggap naman daw ni Vina ang ganitong sitwasyon, at hindi siya nawawalan ng pag-asang makakatagpo rin ng tamang lalaki para sa kanya.

Aniya, “Ganun lang talaga.

“You cannot have everything, e. I’m sure, things will fall into place. I know God has somebody for me.

“I’m very positive, e, when it comes to my personal life.

“Alam ko naman na meron talaga for me. There’s always somebody that’s meant for you.

“Siguro hindi pa lang talaga. I don’t know, e, let’s see."

Nag-e-entertain naman daw ng dates si Vina sa ilang mga nanliligaw sa kanya.

Aniya, “May mga pinapa-date, pero parang wala pang masyadong spark, e.

“Wala pa talaga yung matinding-matinding spark na, 'Uy, eto puwede, may possibility to become a serious relationship.'

“For now, wala pa.

"Of course, I’m attracted, 'Uy, cute. Uy, ganito, good looking.'

"Pero hindi pa talaga buo yung decision ko that I’d really have a commitment with this person, wala pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN