Netizen gets bashed for making fun of Luis Manzano's P10,000 donation

IMAGE You Tube (I Can See Your Voice)

Luis Manzano asks his supporters to stop criticizing a female netizen who made fun his P10,000 donation to her father.


Nakiusap si Luis Manzano sa kanyang supporters na itigil na ang pagbatikos sa isang female netizen na nag-post tungkol sa ibinigay na tulong ng Kapamilya TV host-actor.

Naging contestant ang ama ng netizen sa ABS-CBN game show na I Can See Your Voice, kung saan si Luis ang host. 

Sa taping ng game show, maagang na-eliminate ang contestant na si “Sir Soldier” na nais manalo upang may panghanda raw sa debut ng anak.

Bilang tulong, nagmagandang-loob si Luis at inabutan si “Sir Soldier” ng P10,000.

Pero dalawang araw bago umere ang episode noong April 22, Linggo, nag-tweet ang anak ni “Sir Soldier” na tila nagrereklamo pa at nagsabing kulang ang tulong na iniabot ni Luis.



Sumagot naman sa mga tweet si Luis, na nilinaw na kaya P10,000 lamang ang kanyang iniabot ay dahil sinabi ni “Sir Soldier” na simpleng handaan ang plano nila sa anak.

Sa tweet ay nag-alok pa si Luis sa female netizen na ibigay ang deposit account nito upang dagdagan ang ibinigay niyang P10,000.




Bunsod nito, binatikos ng mga tagasuporta ni Luis ang female netizen dahil sa inasal nito sa kabila ng pagmamagandang-loob ng Kapamilya star.

Nitong Lunes, April 23, nag-post ng mensahe si Luis sa Instagram.

Dito ay sinabi niyang humingi na ng tawad sa kanya ang female netizen.

Naka-attach sa status ni Luis ang mensahe ng female netizen na nagsabing na-bash daw siya sa kanyang tweets.

Sinabi naman ni Luis na pinatawad na niyaang netizen kaya huwag na itong batikusin.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN