Vina Morales awaits verdict in kidnapping case vs Cedric Lee

IMAGE Noel Orsal

Vina Morales prays that the verdict in kidnapping case vs ex-boyfriend Cedric Lee will be in her favor: "Of course, lahat naman, kung may ipinaglalaban, we think on the positive side na may ipinaglalaban, I'm praying for that."


Nagbigay ng update si Vina Morales sa ilang kasong isinampa niya sa korte laban kay Cedric Lee, ang kanyang dating kasintahan at ama ng kanyang anak na si Ceana.

Sabi ng singer-actress, “We have cases ongoing right now, libel...

"I [also] filed a kidnapping case which is being handled by Attorney Lucille Sering.

“So, ipinapaubaya ko lang sa kanya.

“May 28, it’s the decision for that... very soon.”

Oktubre 2016 nang mag-file ng kasong kidnapping si Vina laban kay Cedric sa Mandaluyong City Regional Trial Court.

Ito ay dahil umano sa paglabag ni Cedric sa itinakdang visitation rights ng korte na dapat ay kada Sabado lamang ang pagbisita niya kay Ceana.

Umabot daw sa walong araw na kasama ni Cedric ang anak habang nasa ibang bansa si Vina.

Bukod sa mga kaso ni Vina laban sa kanya, si Cedric ay naiugnay din sa kasong illegal detention na inihain sa korte ni Vhong Navarro matapos siyang bugbugin at i-hold sa condo ni Denise Cornejo, na nagreklamo ng rape laban sa It’s Showtime host.

Ilang taon tumakbo ang kaso niya laban kay Cedric?

“About a year and a half,” tugon ni Vina.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vina sa media launch ng bagong drama series ng Kapamilya network, ang Precious Hearts Romances: Araw Gabi, na ginanap  sa 9501 Resto, ELJ Bldg, sa ABS CBN compound, nitong Lunes, April 23.

Ayon kay Vina, wala siyang alam kung ano ang magiging hatol ng korte sa kaso.

Ang kinakapitan na lang daw niya ay ang dasal na sana pumabor sa kanya ang desisyon.

Saad pa niya, “Of course, lahat naman, kung may ipinaglalaban, we think on the positive side na may ipinaglalaban, I’m praying for that.”


Stories We Are Tracking

Vina Morales files complaint against Cedric Lee
Vina Morales files complaint against Cedric Lee
Cedric Lee refutes Vina Morales's allegations
Cedric Lee refutes Vina Morales's allegations
Vina Morales stands by bullying allegation vs Cedric Lee
Vina Morales stands by bullying allegation vs Cedric Lee
Vina Morales unfazed by libel cases to be filed by Cedric
Vina Morales unfazed by libel cases to be filed by Cedric

CHILD CUSTODY. Tumangging magbigay ng komento si Vina sa usapin ng posibleng pag-aalis ng karapatan kay Cedric sa kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Because of many reasons, and it’s better na lang kung doon na lang sa korte ang dapat mag-decide sa lahat. 

“It’s better that I won’t say a lot of things about it na lang.

“I’m leaving it to my lawyer, kay Attorney Lucille Sering, and the court for them to decide.”

Wala pang malinaw na paliwanag si Vina sa anak tungkol sa legal situation nila ng ama nito.

Aniya, “Baby pa naman siya, e. Hindi pa naman niya masyadong…

“She’s very sensitive on so many things. Napakabait na bata.

“I’m happy na magalang siya and very thoughtful, kasi even sa mga kasambahay namin, bibili siya ng mga pasalubong pag nagta-travel.

“Ganun siya, very thoughtful na bata.

“So, I’m blessed na ganun, lumalaki siyang ganun.”

Hindi ba siya nagtatanong tungkol sa daddy niya?

“Hindi, e,” sagot ni Vina.

“Hindi. She’s a very strong kid sa nakikita ko.

“And yun, nandiyan naman ako palagi sa anak ko."

Giit ni Vina sa custody issue kay Ceana, “The custody is ako, because I’m only a single mom I’m not married to him.” 

Ayon kay Vina, may ibinigay siyang visitation rights kay Cedric para kay Ceana.

“They had but its just that... ay, anyway, I don’t try talk about it. I just leave it to the court.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN