Jack Reid defends Nadine Lustre on "tabig-selfie" controversy

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Jack Reid, brother of James Reid, defends Nadine Lustre after her "tabig-selfie" video went viral online. "I don't know the context, I don't know the reason she's doing it, but knowing her, it is definitely for a good reason," says Jack about Nadine.


Ipinagtanggol ni Jack Reid si Nadine Lustre kaugnay ng “tabig-selfie” issue na kinasangkutan ng aktres kamakailan.

Si Jack ang nakababatang kapatid ni James Reid, onscreen partner at real-life boyfriend ni Nadine.

Halos dalawang linggo na ang nakalilipas, nag-viral ang video kung saan makikitang tinabig ni Nadine ang braso ng isang babae habang kumukuha ng selfie kasama si James sa loob ng isang bar.

May mga caption pa ang video na pinupuna ang inasal ni Nadine.


Stories We Are Tracking

Models speak up about selfie incident involving JaDine
Models speak up about selfie incident involving JaDine

Reaksiyon dito ni Jack, “I haven’t seen it. And I don’t know the backstory, so I really can’t comment on it.

“But I'm sure it was all for a reason. I’m sure it was.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 19-anyos na Filipino-Australian aspiring actor sa press conference ng Squad Goals, ang upcoming movie ng Viva Films na pinagbibidahan din nina Andrew Muhlach, Vitto Marquez, Dan Huschka, at Julian Trono.

Ginanap ang presscon sa Viva Office nitong Lunes, April 23.

ATE NADINE. Sa pagkakakilala raw Jack kay Nadine, mabait itong tao.

"I don’t know the context, I don’t know the reason she’s doing it, but knowing her, it is definitely for a good reason," sabi ng kapatid ni James.

Hindi raw si Nadine ang tipo ng taong gagawin iyon nang walang dahilan.

“She doesn’t seem to be the type of person that would ever do that. It doesn’t seem like it.”  

Paano ba niya ilalarawan ang girlfriend ng kanyang Kuya James?

Ayon kay Jack, “She’s the most positive person when it comes to negative things. It’s amazing.

“Even though she’d be hurt so bad, she can turn it into positive and be really inspirational about it.

“So that’s what I really admire about her.”  

Parang ate raw si Nadine kay Jack.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s always been like my older sister, kind of...

“She’s always there to talk, she’s a really nice girl, funny.

"It’s like she’s my second sister."

Ang isa pang kapatid nina Jack at James na sinusubukan din ang showbiz ay si Lauren Reid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN