James Yap on greeting son Bimby on his birthday: "Wala naman atang masama dun."

IMAGE Noel Orsal

Umiwas si James Yap na sagutin ang iba't ibang akusasyon ng dating asawang si Kris Aquino. Tanging sinagot lamang nito sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay ang tungkol sa birthday greeting niya sa anak na si Bimby Yap. 


Walang nakikitang masama ang PBA player na si James Yap sa pagbati niya sa ika-11 kaarawan ng anak na si James "Bimby" Yap Jr. noong April 19.

Idinaan ni James sa Instagram ang birthday greeting para sa kanilang anak ng dating asawang si Kris Aquino.

Binati raw niya ang anak dahil nami-miss na niya ito.

Ngayong Martes ng hapon, April 24, nagpaunlak si James ng eksklusibo ngunit maiksing panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng telepono.

Ayaw na raw sana niyang magpa-interview dahil alam niyang hahaba lang ang isyu.

Ngunit nais linawin ni James na ang pagbati niya kay Bimby sa birthday nito ay kanyang karapatan bilang ama.

Pahayag ng 36-year-old basketball star, “Birthday ng anak ko, grineet ko lang naman.

“Wala naman yatang masama dun kapag i-greet mo yung sarili mong anak.

“Tsaka na-miss ko siya. Wala naman atang masama dun... sariling tatay mag-greet sa sariling anak.”

Matatandaang pinalagan ni Kris ang pagbati ni James kay Bimby dahil wala raw itong malasakit sa kanilang anak.

Hindi rin daw ramdam ni Kris ang senseridad sa pagbati ni James dahil wala naman daw itong effort magpakaama kay Bimby, ngayong wala na sa poder ang pamilya Aquino.

Ang tinutukoy ni Kris na “poder” ay ang pagbaba sa katungkulan ng kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino noong June 2016, pagkatapos ng anim na taong panunungkulan sa bansa.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino reveals why James does not see Bimby anymore
Kris Aquino reveals why James does not see Bimby anymore

Nitong nakaraang Linggo, April 22, binanatan naman ni Kris si Korina Sanchez.

Ito ay dahil sa feature ng Rated K tungkol kay James at sa girlfriend nitong si Michela Cazzola at sa kanilang anak.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino slams Korina Sanchez over James Yap feature
Kris Aquino slams Korina Sanchez over James Yap feature

Ayaw nang magbigay ng karagdagang pahayag si James tungkol sa mga patutsada ni Kris sa magkakasunod nitong Instagram posts.

Focus lang daw siya ngayon sa kanyang laro bilang shooting guard ng Rain or Shine dahil magsisimula na ang PBA Commissioner’s Cup sa Biyernes, April 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Basta ako, ano lang, focus ako sa game ko. Friday, may game na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN