Andre Paras sees the possibility of falling for Mikee Quintos

IMAGE Noel Orsal

Andre Paras describes Mikee Quintos as "makulit, kuwela, kalog, hindi maarte."


Walang girlfriend at walang nililigawan ngayon si Andre Paras, pero marami naman daw siyang crushes.

Ang showbiz career daw ang priority ni Andre ngayon.

Aniya, “Of course, as of now, focus muna, it’s important naman.

“I’ve had girlfriends, I’m not gonna lie, I’ve had relationships.”

Ngunit matagal na raw nang huling magka-girlfriend ang panganay na anak ni Benjie Paras sa dating asawang si Jackie Forster.

Bago pa man siya pumasok sa showbiz noong 2013, natapos na ang huli niyang relasyon. 

Hindi pa rin daw nagkakaroon ng girlfriend na taga-showbiz si Andre.

Paliwanag niya, “Nagkakagusto, or go out with friends pero, you know, importante talaga mag-focus sa career.”

ONE OF THE BOYS. Nali-link sila ni Mikee Quintos, pero ayon sa young actress ay “brother” niya si Andre.

Sang-ayon naman ng binata, “Ah, yeah! Kasi si Mikee, one of the boys yun, e.”

Noong nakaraang December ay nagkita sila sa Amerika at “nag-date.”

Kuwento ni Andre, “Opo tinawagan ko siya, nag-date kami dun, nag-Universal [Studios] kami.”

Pareho silang nasa bakasyon noon kaya nagdesisyon silang magkita sa US.

“Tineyk-advantage ko yung time namin na free kami.

“'Tsaka kakaiba yung experience pag may kakilala ka dun, ‘Tara mag-date tayo!’

“Iba yung feeling kasi pareho kayong tourists, pareho kayong mawawala sabay-sabay.

“Hindi tulad dito, kabisado mo na lahat, e.”

Nagkasama sina Andre at Mikee sa GMA-7 show na Sirkus. 

Nasa Sherlock Jr. naman si Andre at boses ni Mikee ang gamit kay Siri, ang wonder dog na nasa Sherlock Jr. din.

ON FALLING FOR MIKEE. Nagulat ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa sagot ni Andre nang tanungin kung may chanceng na maging sila ni Mikee.

Saad niya, “We’ll see… meron naman.

“We have so much in common naman, e.

“Makulit siya, kuwela, kalog, 'tapos hindi siya maarte.

“Kaya nga easy to ano siya, e, when I say one-of-the boys siya, I mean [nakikisama] siya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit all boys, puwede siyang sumama, kasi sobrang walang arte.”

So, carry niyang ligawan ang isang babaeng "one-of-the boys?"

Sagot ng binata, “Oh, yes! Kasi wala namang masama dun, e.

“What I mean na one-of-the boys, parang ano siya, e, it’s more of walang arte, 'tapos game lang siya kahit ano, 'tapos matapang.

“Iyon lang kasi ang habol ko, e.

“If you would ask me, yung habol ko sa babae, yung matapang, yung hindi siya natatakot sabihin kung ano ang mali, kahit hindi kayo.

“Yung parang she’ll give her opinion or she’d be there for you, to guide you.

“Ganun lang.”

Bakit hindi pa niya nililigawan si Mikee?

Paliwanag ni Andre, “Pareho kaming may mindset na work muna, e.

“We both agreed on it naman, e.

“Work muna, 'tapos we make fun about it na, ‘O, wala tayong relationship.’

“‘Ganun talaga e, kasi, you know.’

“We get to focus on a lot of things.

“'Tapos we’re young, she’s twenty, I’m twenty-two, so there’s so much in store for us pa, especially her.”

ACCEPTING ROLES AND PROJECTS. Pagkatapos ng Sherlock Jr. ay mapapanood si Mikee sa Extraordinary Love kasama ang Superstar na si Nora Aunor.

Si Andre naman ay regular cast member sa Sunday PinaSaya.

Natanong namin si Andre kung tatanggapin ba niya in case mabigyan siya ng gay role.

Mabilis na sagot niya, “Oo naman!

“I’d agree because it’s for work, for the craft, and I mean it’s being adventurous in a role 'cause that’s how we are, I mean, it’s how I see people in showbiz.

“You accept if it’s something you can do well or give justice to the role.”

Kahit daw seryosong gay role ay tatanggapin niya basta maganda ang istorya.

“That’s gonna be nice, kasi I get to explore another role, at the same time find more outlets to just enjoy what I do.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang medyo pag-iisipan daw niya kung tatanggapin niya o hindi ay ang pagrampa nang naka-trunks lang.

“As much as, you know, ang daming fitspiration dun, I’d say no first, kasi mahilig kasi akong kumain!” sabay tawa ni Andre.

“Wala ako sa [tamang shape ng] katawan.

“Maybe in the future, when I’m more confident about showing skin to the public.

“Pero as of now, you know, I just wanna keep it like, ah, low-key, relaxed para I can have roles na…

"Kasi I’ve accepted na ang target audience ko, mga bata, mga teens, so at least napapasaya ko sila.

"So, when they see me, ‘Uy si Pido, uy si Wahid.’”

Si Andre si Pido sa Sherlock Jr. at siya naman si Wahid sa Encantadia na umere noong 2016.

Baka makaya naman daw rumampa ni Andre nang shirtless.

“Papayag naman ako, that’s if I’m ready, pag reding-ready na.

“That’s also a good thing kasi commitment talaga ang kailangan dun, e.

“Hindi porke’t hindi ka kumain, seksi ka na, kasi kailangan talaga gym and then time management for your body.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN