Xian Gaza invites Myrtle Sarrosa to a movie date days after release from prison

IMAGE Courtesy: Facebook of Xian S Gaza / Myrtle Gail

Patuloy pa ring lumilikha ng ingay ang kontrobersiyal na social media personality na si Xian Gaza, this time sa pamamagitan ng isang online invitation kay Myrtle Sarrosa para sa isang movie date. 


Lumikha na naman ng ingay ang kontrobersiyal social media personality na si Xian Gaza matapos nitong yayain sa isang movie date ang cosplayer at aktres na si Myrtle Sarrosa.

Sa kanyang Facebook post noong Linggo, April 22, sinabi ng viral billboard suitor na si Xian na crush niya si Myrtle.

Kalakip ng kanyang post ang edited version ng Avengers: Infinity War movie poster, kung saan pinalitan ni Xian ng mga mukha nila ni Myrtle ang mga bida sa pelikula.

Sabi ni Xian sa kanyang post, “I don’t know how to say this but you know what, I crush you. 

"Myrtle Sarrosa, will you watch Avengers Infinity War with me?

"#MovieDateWithMyrtle
"#PleaseSayYesMyrtle

“P.S. Sorry hindi ko na afford ipabillboard pa ‘to, nyeamumulubi na kasi me.”

Wala pang reaksiyon si Myrtle tungkol sa imbitasyon sa kanya ni Xian.

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Xian pagkatapos niyang yayain sa isang coffee date si Erich Gonzales sa pamamagitan ng isang billboard sa Maynila noong July 2017.


Stories We Are Tracking

Young CEO asks Erich for a coffee date via billboard
Young CEO asks Erich for a coffee date via billboard

Nitong unang linggo ng Abril 2018, naglabas ang dalawang korte ng Malabon ng arrest warrants laban kay Xian dahil sa kinasasangkutan nitong investment scam na halos umabot sa tatlong milyong piso.


Stories We Are Tracking

Two arrest warrants issued against Xian Gaza
Two arrest warrants issued against Xian Gaza

Nakalabas ng kulungan si Xian matapos makapaglagak ng piyansa na nagkakahalaga ng P128,000.


Stories We Are Tracking

Xian Gaza released from prison after posting bail
Xian Gaza released from prison after posting bail


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN