Maricel Soriano wants to work with Angel Locsin, Jodi Sta. Maria, Liza Soberano

IMAGE Mark Atienza

Maricel Soriano is excited to start working on her TV comeback, the ABS-CBN primetime soap The General's Daughter, which also stars Angel Locsin and new Kapamilya Ryza Cenon. 


Tila in full swing ang pagbabalik ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa showbiz.

Tinatapos niya ang pelikulang My 2 Mommies ng Regal Entertainment, Inc. at sisimulan na rin niya ang upcoming prime-time series ng ABS-CBN na The General's Daughter.

Excited na raw si Marya sa pagbabalik niya sa telebisyon sa pamamagitan ng The General’s Daughter.

Pero ayon sa kanya, “Hindi ko pa nga lang maikuwento sa inyo ang detalye.

“Alam niyo na, limited edition.

“Maganda siya, promise. 

“Hindi ko pa alam ang sasabihin ko, siyempre wala pa silang sinasabi.

“Siyempre, behave. 

“Huwag magmamaldita, ha. May edad na!

“’Di ba dapat, behave lang tayo? At saka, enjoy ka lang.”

Ito ang unang pagkakataong makakasama ni Maricel si Angel Locsin, na gusto raw talaga niyang makatrabaho.

Bakit niya gustong makatrabaho si Angel?

“Bakit hindi?” natatawang sagot ng Diamond Star. 

Gusto rin daw niyang makatrabaho si Jodi Sta. Maria.

“Gusto ko si Jodi. Mahusay ang batang yun. Napakahusay.”

Gusto rin daw niya si Liza Soberano.

“Ang ganda-ganda ng mukha, ‘no?”

Pero tahasan niyang sinagot na “wala” ang tanong kung sino sa palagay niya ang bagong Maricel Soriano.

“Wala, walang xerox copy, wala talaga,” sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang piling reporters si Maricel sa pocket presscon ng Mother’s Day offering ng Regal na My 2 Mommies.

Ginanap ito noong Lunes, April 23, sa Novotel Hotel, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Kasama sa pocket interview ang kaibigan ni Maricel na si Eric Quizon, na siyang direktor ng nasabing pelikula.

LAST SOAP WITH GMA-7. Bago ang The General's Daughter, ang huling teleseryeng ginawa ni Maricel ay ang Ang Dalawang Mrs. Real sa GMA-7 noong 2014 pa.

Nakasama niya rito sina Dingdong Dantes at Lovi Poe.

Halos apat na taon na pala ang nakalilipas, kaya naitanong kay Maricel kung bakit hindi na siya nagkaroon ng follow-up teleserye sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi sila magaling, ‘no?” natawang sabi niya. “Hindi na nag-follow-up.” 

Kung sakaling nagkaroon muli ng offer ang GMA-7 sa kanya pagkatapos ng Ang Dalawang Mrs. Real, tatanggapin niya?

“Depende,” sagot niya.

“Kasi, number one talaga sa akin yung istorya.

“Yung mga aspetong ganyan, una talaga sa akin ang istorya.

“Yung pera, puwede namang pag-usapan ‘yan. Madali lang ‘yan sa akin.

“Pero yung istorya ang importante, kasi yun ang dadalhin mo.

“Ang ganda ng istorya ng pelikula ni Eric kaya maganda,” pagtukoy niya sa My 2 Mommies.

MY 2 MOMMIES. Ayon kay Maricel, may ibang pelikulang nakaplano si Eric para sa kanya.

Pero nang malaman niyang may una itong ididirek sa Regal, ang My 2 Mommies, nagprinsita raw siyang makasama sa cast kahit hindi ganoon kalaki ang role.

“Alam niyo naman ako, di ba?

“Kung may ginagawa si Kaizz [tawag niya kay Eric], 'Sali mo ko diyan.'

“'Hindi, hindi ‘yan ang ikinukuwento ko sa ‘yo.'

“'E, isali mo ko riyan,' sabi kong ganun.

“E, kami, kapatid ko na ‘yan. Ganun kami, para na talaga kaming magkapatid.”

Puring-puri rin ni Marya ang bida ng My 2 Mommies na si Paolo Ballesteros.

Aniya, “’Yang si Paolo, ang bait.

“Walang kahangin-hangin sa ulo.

“Ang sarap ng ganun katrabaho. Yung parang nagdya-jamming lang kayo sa set.”

IKAW PA LANG ANG MINAHAL. Samantala, noong nakaraang linggo ay dinaluhan ni Maricel ang special screening ng digitally-restored 1992 movie nila ni Richard Gomez na Ikaw Pa Lang Ang Minahal.

Halatang natuwa ang Diamond Star dahil sa response ng mga tao, lalo na nang makita niya kung gaano kalaki ang iginanda ng dating movie.

May kuwento rin si Maricel tungkol sa mga kabataang tagahanga niya ngayon.

Saad niya, “Nakakaloka yung mga bata.

“Nagulat ako. Nagulat talaga ako, ang dami kong mga fans na bata.

“Alam niyo, pinagtatabuyan ko.

“Sabi ko, 'May diperensiya mga utak niyo, dun kayo sa mga bagets, huwag kayo sa akin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nila, 'Ay, hindi, pinapanood namin kayo. Ang dami-daming pelikula. E, sa gusto namin kayo, bakit ba?'

"Sabi ko, 'Inaaway mo ba ako?'”

Ano ang naramdaman niya habang pinapanood ang  Ikaw Pa Lang ang Minahal na digitally-remastered na?

Sabi ni Maricel, “Napaiyak nga ako.

“At saka, ang ganda ng quality.

“Kasi, ipinapakita ang negatibo, 'tapos yung na-restore na.

“Ang ganda! Ang layo-layo. Parang kahapon lang na-shoot, ganun.”

Yun nga lang, wala raw siyang kopya ng old movies niya. 

Tawanan naman ang lahat sa malaking pagtanggi ni Maricel kung gagawan nila ng Part 2 ang 1980 Regal movie na Underage, kung saan nakasama niya sina Dina Bonnevie at Snooky Serna.

Nabanggit ni Dina na gusto niyang gawin ulit na Overage naman ang titulo ngayon. 'Tapos, mga bagets ang kapareha nila.

“Ayaw! Ayaw ko ng brand na ‘yan. Ayokong mapunta dun, ayaw ko ng title!” natawang sabi niya.

“Gusto ko ng wholesome, masaya.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN