Matteo Guidicelli asked about Sarah Geronimo changing song lyrics to "I'll wear your wedding ring"

IMAGE Instagram @sarahgeronimoshots / Noel Orsal

Matteo Guidicelli remains non-committal when asked about possible wedding talks with his girlfriend of four years, Sarah Geronimo.


Napangiti si Matteo Guidicelli nang tanungin tungkol sa pagkanta ni Sarah Geronimo ng “Leaving On A Jet Plane” sa 15th anniversary concert nito sa Araneta Coliseum kamakailan.

Naging kapansin-pansin kasi ang pagkanta ni Sarah ng lyrics na nagsasabing “When I come back, I'll WEAR your wedding ring” imbes na “When I come back, I’ll BRING your wedding ring.”


Stories We Are Tracking

Sarah G changes song lyrics:
Sarah G changes song lyrics: "I'll wear your wedding ring."

Bukod sa kinakiligan ito nang husto ng concertgoers, hindi rin maiwasang magkaroon ng espekulasyong tila nagbabadyang lumisan ng showbiz si Sarah.

Lalo na’t mayroong bahagi ng kanyang production number na tila maluluha si Sarah habang kinakanta ang "'Cause I'm leavin' on a jet plane / Don't know when I'll be back again / Oh babe, I hate to go"

#sarahgeronimo @justsarahg @justsarahgph #SarahGThis15MeConcert

A post shared by Sarah Geronimo Pics & Vids (@sarahgeronimoshots) on

Narito ang kuha nina Sarah at Matteo pagkatapos ng concert:

Gayunman, halatang iwas si Matteo nang tanungin ulit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung plano na ba nila ni Sarah na lumagay sa tahimik.

Maiksing sagot ng aktor, “Hindi ko po alam.”

Ang tanging siniguro ni Matteo ay walang plano si Sarah na mag-early retirement sa kanyang showbiz career.

“Hindi naman. Singing is her life. She loves that.”

Nakapanayam ng PEP.ph si Matteo pagkatapos ng presscon ng Single Single Love Is Not Enough, na ginanap sa 9501 restaurant sa 14th floor ng ELJ Building sa Quezon City, nitong Martes, April 24.

Sa presscon proper, natanong si Matteo kung ini-enjoy pa ba niya ang pagiging single o may plano na siyang mag-asawa.

Nasa hustong edad na rin naman sina Matteo, 28, at si Sarah, 29.

Ngunit nanataling non-committal ang binata sa usaping pagpapakasal.

“I’m in a relationship. I’m locked to one. I don’t know… Tingnan natin.”

Ayon kay Matteo, “okey naman lahat” sa pagitan nila ni Sarah.

Sa loob ng kanilang apat na taong relasyon, suportado raw nila ang kanilang indibidwal na karera.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi man sila madalas nakikitang magkasama sa trabaho, hindi naman itinatago nina Sarah at Matteo sa publiko ang mas napapadalas nilang pagdi-date o pagta-travel nang magkasama.


Stories We Are Tracking

Sarah, Rayver spotted at Matteo's 28th birthday bash
Sarah, Rayver spotted at Matteo's 28th birthday bash
Matteo denies proposing to Sarah in Palawan
Matteo denies proposing to Sarah in Palawan
Sarah teases Matteo at his birthday party
Sarah teases Matteo at his birthday party


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN