Character actor Soliman Cruz admits to being a recovering substance abuser

IMAGE Mark Atienza

Character actor Soliman Cruz on his recovery process: "Kung tatanungin mo kung hanggang kailan ito, sana naman huwag... tumagal. Pero kung yung meron pa ring pagnanasa [na gumamit]... meron pa. Pero hindi na ganun ka... hindi na yung ganun kaigting ba."


Aminado ang character actor na si Soliman Cruz na isa siyang "recovering substance abuser."

Si Soliman, na galing sa teatro, ay nakilala nang gumanap siya bilang ama ni Nathan Lopez sa hit indie film na Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros (2005).

Nasundan pa ito ng pagganap niya bilang ama naman ni Judy Ann Santos sa blockbuster film na Kasal, Kasali, Kasalo (2006).

Pero pagkalipas ng ilang taon ay nawala siya sa sirkulasyon dahil sa pagkalulong niya sa droga.

Ngayon ay halos tatlong taon na raw siyang "sober."

Dahil sa pinagdaanan niya at sa patuloy pa ring pinagdadaanan, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang pahayag tungkol sa mga kapwa niya aktor na nalulong din sa droga.

Kabilang na rito sina Julio Diaz, na dinakip lang kamakailan, at si JM de Guzman, na dalawang beses sumalalim sa rehabilitasyon.


Stories We Are Tracking

JM de Guzman opens up about drug abuse issue
JM de Guzman opens up about drug abuse issue
JM de Guzman admits rehabilitation is a life-long struggle
JM de Guzman admits rehabilitation is a life-long struggle
Julio Diaz admits to drug use, denies drug pushing
Julio Diaz admits to drug use, denies drug pushing

Ayon kay Soliman, "Kailangan kasi ng intervention, e. Hindi mo kayang mag-isa.

"Kailangang ilagay ka sa controlled environment ng ilang... sa akin, taon, e.

"Para doon, matatanggap mo yung sakit mo.

"Dahan-dahan mong matatanggap, at merong patuloy na paggamot sa kanya.

"Kasi, yung sakit na ‘yon, habang buhay mong dadalhin, e. Yung andidiyan lagi ‘yan, e."

Hanggang kailan pa kaya ang recovery process ni Soliman bago siya makatayo sa sarili niyang mga paa, 'ika nga?

Tugon ng beteranong aktor, "Hindi... hindi ko masasabi, sa edad ko ngayon... I’m 55, going 55...

"Kung tatanungin mo kung hanggang kailan ito, sana naman huwag... tumagal.

"Pero kung yung meron pa ring pagnanasa [na gumamit]... meron pa.

"Pero hindi na ganun ka... hindi na yung ganun kaigting ba."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Soliman sa presscon ng Cine Filipino nitong Abril 24, Martes, sa Gloria Maris restaurant, Gateway Mall, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Dalawang pelikula ang kinabibilangan niya ngayong taon: Hitboy at I Love You With All My Hypothalamus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REHAB FACILITY. Sa kaso ni Baron Geisler na nalulong sa alak, nakaaway nito pati ang mga kapamilya.

Wala itong maaasahang iba para tumulong kundi ang sarili, hanggang nagseryoso ito sa pagpapa-rehab.

Kay Soliman, sino ang tumutok sa kanya?

Saad niya, “Meron akong mga support group na pinupuntahan.

"Nakatira ako ngayon sa isang rehab facility sa Pasig.

“'Tapos, nagtuturo ako ng theater. 'Tapos, pag merong trabaho, lumalabas ako.

“Katulad ngayon, merong presscon. Lalabas ako. 'Tapos, babalik ako dun."

Ayon pa kay Soliman, “Nasa Phase 4 pa lang ako.

"Ibig sabihin, pagtawid doon sa... tatawid ka ulit, lalaya ka ulit...

“Ito, inaalalayan nila ako sa transition ko sa pagbabalik ko.”

Phase 4 ang panghuling phase ng recovery sa naturang rehab facility.

Ano ang masasabi niya sa mga taong nandiyan pa rin? Nagmamalasakit, nagbibigay pa rin sa kanya ng project sa kabila ng mga pinagdaanan niya?

Tugon ni Soliman, “Wala akong masasabi kundi magpasalamat.

"Pero ayun, hanggang ngayon, naniniwala pa rin sila sa kakayahan ko.

“At ayun... mas ipinamukha nila sa akin na kailangan kong mahalin kung ano yung handog sa aking talent, e.

“Lalo ko siyang pangalagaan, lalo ko siyang mahalin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN