Nyeam: The rise and fall of viral billboard suitor Xian Gaza

IMAGE Courtesy: Xian S. Gaza on Facebook

Xian Gaza: "Pinagsisisihan ko po na ako'y naging isang con man, scammer, 'fraudigy' along the way. I hate the person I've become."


April 13, 2018, nagtungo ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Malabon City Jail kung saan nakulong ang viral billboard suitor na si Christian 'Xian' Gaza.


Ito ay pagkatapos kusang sumuko ni Xian sa Malabon City Police officers dahil sa dalawang warrants of arrest na kinakaharap nito kaugnay sa paglabag sa Batas Pambansa (BP) 22 o ang Anti-Bouncing Checks Law.


Stories We Are Tracking

Two arrest warrants issued against Xian Gaza
Two arrest warrants issued against Xian Gaza

Ngunit hindi kami napagbigyan ng jail authorities na makausap si Xian dahil hindi pa naaprubahan ang aming permit na ni-request sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).


 

Kinagabihan, nakalaya na si Xian matapos itong makapaglagak ng piyansa.


Stories We Are Tracking

Xian Gaza released from prison after posting bail
Xian Gaza released from prison after posting bail

Nitong Martes ng gabi, April 24, nakausap na sa wakas ng PEP.ph si Xian sa pamamagitan ng Facebook messaging.

Nagpatuloy ang aming komunikasyon sa kontrobersiyal na social media personality ngayong Miyerkules, April 25. 

Dito ay inusisa namin ang self-confessed “national scammer” tungkol sa buhay na kanyang pinagdaanan, ang kanyang pagyaman at biglaang pagka-bankrupt, ang mga naging pagkakamali niya sa buhay, at kung bakit siya mapangahas sa pag-iimbita sa ilang celebrities upang makipag-date sa kanya.

EARLY START. Nagsimulang pumasok sa pagnenegosyo si Xian sa edad na 11.

Taong 2005, sinimulan niya ang hamster and guinea pig breeding kung saan nagsu-supply siya sa apat na pet shops sa Malabon.

Noong 2012, sa edad na 18, itinayo niya ang Friendzoned Entertainment Place.

Nang sumunod na taon, 2013, sinimulan naman niya ang Gazaboy Classico Caffe.

Naibenta niya ang dalawang kumpanyang ito.

Taong 2014, nagtayo siya ng tatlong kumpanya: Gazaboy Inc., Gazaboy Ventures, Inc., at Gazaboy-Martin Woodworks, Inc.

Noong 2015, itinayo niya ang Civet Coffee Trading sa Davao City. Operational pa rin ito hanggang ngayon.

Noong 2016, itinayo naman niya ang Las Islas Assets and Management Corporation sa Davao pa rin, ngunit ito ay nalugi.

At nitong 2018, itinayo niya ang Guanxiqian Trading sa may Kidapawan City, North Cotabato.

Pumasok siya sa pakikipagsosyo upang mas lalo pang lumaki ang kanyang negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Xian tungkol sa pagkakaroon ng business partners, “For expansion po sana, pero una pa lang ay sablay na agad, given na wala po akong background at experience sa negosyo when I started at the young age of 18.

“Nalugi po dahil kinain ng overhead expenses ang aming kapital and I got involved to different investment scams.”

In between businesses, nagpursige rin si Xian mag-aral, ngunit hindi niya natapos ang kursong Bachelor of Arts in Political Science sa Far Eastern University-Manila.

SELF-MADE MILLIONAIRE. Noong nagsimula siya ng kanyang lehitimong negosyo, kumita kaagad si Xian ng milyon.

Halos apat na milyong piso raw ang kinikita niya buwan-buwan sa kanyang iba’t ibang negosyo.

“I became a self-made millionaire at the very young age of 18.

“On my peak po, I was earning 3-4 million pesos net per month working for a Chinese businessman last 2017, before my infamous coffee-date billboard for Erich.”

Ang tinutukoy ni Xian ay ang kanyang viral billboard invitation para sa isang coffee date sa Kapamilya actress na si Erich Gonzales noong July 2017.


Stories We Are Tracking

Young CEO asks Erich for a coffee date via billboard
Young CEO asks Erich for a coffee date via billboard

DOWNFALL. Kung biglaan ang kanyang pagyaman, ganoon din kabilis ang kanyang pagkabangkarote. 

Paano ba naubos ang pera niya? Saan ito napunta?

Ayon sa 24-anyos na si Xian, "Living a lavish lifestyle way beyond my means and bitcoin investment scam po."

Ang bitcoin ay isang uri ng cryptocurrency at worldwide payment system.

Makikita sa social media accounts noon ni Xian na puro branded ang kanyang gamit—magmula sa pitaka, bag, tsinelas, at iba pa. 




Nakapagbiyahe rin siya sa sa halos 30 bansa sa loob lamang ng isang taon.

Happiness is the greatest form of success.

A post shared by XIAN GAZA (@xiangaza) on

Bucketlist: Photobombed by the World's Tallest Twin Tower. ??#PhotoGoals

A post shared by XIAN GAZA (@xiangaza) on

Bucketlist: Visit the Eiffel Tower replica in Macau. ?? #PhotoGoals

A post shared by XIAN GAZA (@xiangaza) on

Bucketlist: Visit the historical City of Saigon ??#HermitLife

A post shared by XIAN GAZA (@xiangaza) on

Saan napunta ang kanyang pera at mga branded na gamit? 

Ayon kay Xian, "Nabenta ko na po lahat to suffice my daily needs and expenses for the last four months after my ‘bitcoin scam exposé’ last December 2017."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit ganun kabilis ang kanyang pagkalugi? Naubos lahat? 

Sagot niya, "Opo, naubos lahat lahat given sa laki ng halagang nawala sa bitcoin investment scam last year."

Wala ba siyang investment na condo, bahay, lupa, o kotse?

"Mayroon pero nabenta ko na rin po lahat pambayad ng utang."

STALKING CELEBS? Paano pumasok sa isip niya na manligaw ng celebrities, gaya ni Erich?

Paliwanag ni Xian, "Ugali ko po talaga na kapag may gusto akong isang bagay ay lahat ng puwedeng gawin para makuha ito ay gagawin ko.

"Ang tanging hangad ko lang po talaga that time ay maka-date over coffee si Erich, no more than that.

"During that time ay nasa peak po ako ng financial status ko working for a Chinese businessman sa Hong Kong."

Matatandaang naging viral ang billboard invite noon kay Xian kay Erich para sa isang coffee date. 

Ngayon naman, ang cosplayer na si Myrtle Sarrosa ang kanyang niyaya sa isang movie date.

Ano ba ang pinaghuhugutan niya sa imbitasyon niya kay Myrtle?

Sagot ni Xian, "Napansin ko siya at nahumaling po ako sa kanyang alindog at kagandahan sa FHM photos niya last February."


Stories We Are Tracking

Xian Gaza invites Myrtle Sarrosa to a movie date
Xian Gaza invites Myrtle Sarrosa to a movie date

 

Ayon kay Xian, wala siyang magagawa kung sa tingin ng iba ay gimik ang kanyang ginagawa.

Wala raw siyang planong mag-artista o pumasok sa showbiz. 

Depensa niya sa kanyang sarili, "Unang-una sa lahat, e, wala po akong pakinabang kung ako po ay pag-uusapan dahil wala naman po ako sa showbiz industry.

"Totoo lang po talaga akong tao, I’m just being myself the way I really am.

"Siguro ay sobrang kulay at punung-puno lang po talaga ng kontrobersiya ang aking buhay."

MENTAL CONDITION. Mula nang pumutok ang mga isyu sa kanya, malimit na binabatikos ng netizens ang kanyang karakter. 

Ayon sa ilan, may saltik daw siya sa kanyang pag-iisip.

Ang iba naman ay nagsabing baka raw kailangan na niyang magpatingin sa doktor upang maeksamin ang kanyang ulo. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang sagot niya sa mga kritisismong ito? 

Isang quote mula sa pamosong si Steve Jobs ang naging sagot ni Xian:

“Here's to the crazy ones, the misfits, the rebels, the troublemakers, the round pegs in the square holes... the ones who see things differently—they're not fond of rules...

"You can quote them, disagree with them, glorify or vilify them, but the only thing you can't do is ignore them because they change things... they push the human race forward, and while some may see them as the crazy ones, we see genius, because the ones who are crazy enough to think that they can change the world, are the ones who do.” –STEVE JOBS 

Ano ang pinagsisihan niya ngayon? Paano niya hinaharap ang mga problemang ito? 

Ayon kay Xian, "Pinagsisisihan ko po na ako’y naging isang con man, scammer, ‘fraudigy’ along the way.

"I hate the person I’ve become.

"New life po for me now totally outside the shady world na ginalawan ko for the past years."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN