Roderick Paulate on new graft, falsification raps: "Paulit-ulit. Same, same."

IMAGE Courtesy: Roderick Paulate on Instagram

Paulit-ulit na lang daw ang mga kasong isinasampa sa kanya ng Ombudsman, ayon kay Quezon City Second District Councilor na si Roderick Paulate. Suspetsa ng aktor, mukhang politically motivated ito dahil malapit na naman ang eleksiyon sa 2019. 


Pinalagan ni Quezon City Second District Councilor Roderick Paulate ang panibagong reklamong inihain ng Office of the Ombudsman laban sa kanya ngayong Miyerkules, April 25.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, graft and multiple counts of falsification charges ang inihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan dahil sa umano’y 30 ghost employees na under sa payroll ng opisina ni Roderick noong 2010.

Bukod pa rito, nahaharap din ang aktor, kasama ang kanyang liaison officer na si Vicente Bajamunde, ng one count of violation of Section 3(e) of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Bukod sa mga nabanggit, nahaharap din si Roderick sa one count of falsification by a public officer at eight counts of falsification of public document.

Ayon kay Roderick, paulit-ulit na lamang ang reklamong inihahain laban sa kanya.

Sa kanyang Instagram, idinaan ng actor-politician ang pahayag niya tungkol sa isyu.

Sinamahan niya ito ng isang talata sa Bibliya ng Romans 8:31: “As long as you know God is for you, it doesn’t matter who is against you.”

Sa caption, sinabi ng comedian turned public servant, “Pagkatapos ng Barangay Election sa May 14 susunod na naman ang filing ng mga kandidatong tatakbo sa Oct para sa local election sa May 2019 sa QC.

"Lord, ano naman po ang susunod nila? No one is more powerful than you Lord. No one is above your Name!

"#paulit ulit #samesame.”

Sa comments section, sinagot ni Roderick ang isang follower at sinabing hindi na basta-basta naloloko ang mga tao ngayon.


Naalis sa puwesto si Roderick noong 2016 dahil sa kahalintulad na kaso.


Stories We Are Tracking

Roderick speaks up about dismissal from office
Roderick speaks up about dismissal from office
Roderick Paulate dismissed from office
Roderick Paulate dismissed from office

Ngunit pinawalang-bisa ng Court of Appeals ang hatol ng Ombudsman at nakabalik sa puwesto ang konsehal.


Stories We Are Tracking

CA reverses ruling to dismiss Roderick Paulate from office
CA reverses ruling to dismiss Roderick Paulate from office


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN