Maine Mendoza's manager answers this question: What will happen to AlDub?

IMAGE Alden Richards Instagram

Mayroon pa bang AlDub love team o hiwalay na sina Maine at Alden pagdating sa kanilang career? May pelikula pa ba silang pagtatambalan? Magkakasama pa rin ba sila sa isang teleserye? Ito ang ilan sa mga katanungang sinagot ng manager ni Maine na si Rams David.


Taliwas sa obserbasyon ng ilan na tila hindi na masaya si Maine Mendoza sa kanyang showbiz career, tiniyak ng kanyang talent manager na si Rams David na gusto pa rin ng phenomenal star ang ginagawa nito.

“She is happy,” sambit ni Rams.

Napagtanto na ba ni Maine kung ano talaga ang mundong pinasok niya?

“Unti-unti,” mabilis na sagot ng presidente ng Triple A Management.

“Remember, hindi naman kasi siya yung batang nag-audition… I mean, hindi siya yung dumaan sa proseso. 

“After ng audition, dun mag-uumpisa.

“Kaya lang, after audition, just few weeks, sumabog, e.”

Ang tinutukoy ni Rams ay ang pagkakasali ni Maine sa Eat Bulaga! at ang pagiging phenomenal ng love team nito kay Alden Richards, ang AlDub.

Patuloy niya, “So, yung bata, parang, ‘Ano ba ‘to, is this a dream?’

“Parang sa bata, ang sayang fairytale. It’s a dream come true.

“Parang natulog ka lang, paggising mo, you’re a star, you’re an artist.”

Masaya pa rin ba si Maine sa mga ginagawa niya?

“Well, I asked her. Tinanong ko nga siya last week, ‘Gusto mo pa bang mag-artista?’

“Oo, gusto niyang mag-artista. So, masaya siya.

“Gusto pa niya ang ginagawa niya. Makikita mo naman sa telebisyon.

“Even sa kalye, kahit na anong sabi ng mga fans na ‘tanggalin mo na ‘yan sa kalye,’ naiinitan, nasasaktan.

“Pero gustung-gusto ni Maine sa kalye. 

“Kahit minsan pagod na pagod na siya ng the night before, sasabihin niya, ‘Ay, papasok po ako.’”

Si Maine ay kabilang sa segment hosts ng "Juan For All, All For Juan" segment ng Eat Bulaga! kung saan nagpupunta sila sa iba't ibang barangay araw-araw.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rams sa isang restaurant sa Timog Avenue, Quezon City, noong April 20, Biyernes.

WHAT WILL HAPPEN TO ALDUB? Diretsahan din tinanong ng PEP.ph si Rams kung ano na ang sitwasyon ngayon ng AlDub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meeting you was fate; it was wonderful, it was miraculous, it was extraordinary and indeed sweet serendipity. For some, it was nothing but luck and plain coincidence; but for me it was something revelatory about the notion that miracles like this do exist. God made our story extra special; He let everybody witness every single thing from the very beginning. It was something unexplainable. I glanced and smiled at you and all I could do was wonder how did that simple smile changed both our worlds. It changed everything–it changed us. What happened on the 16th day of July 2015 will live on in people's hearts until the end of time. We might not know what the future holds but you should know that no matter what happens, you already have this special place in my heart. And I want you to know that even if we end up being together or not, that spot is yours–forever. Happy first anniversary, @aldenrichards02. Thank you for everything. ????

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Mayroon pa bang love team o hiwalay na sina Maine at Alden pagdating sa kanilang career?

May pelikula pa ba silang pagtatambalan? Magkakasama pa rin ba sila sa isang teleserye?

Pahayag ni Rams, “Unahin muna natin ang AlDub… we don’t know with Eat Bulaga! and their plans, but we still see them together sa Pamilya Nunal.

“Meron pa rin istorya na tumatakbo, so nandun pa rin yun."

Ang "Pamilya Nunal" ay isa ring segment sa Eat Bulaga.

"Yung AlDub movie," patuloy ni Rams, "hindi ko pa masagot bilang yung script niya e, hirap na hirap talaga kung ano ang babagay. 

“Pinipili talaga kung ano ang best script.”

Sa teleserye?

Sagot ng manager ni Maine, “Yun, talagang nag-beg-off muna siya sa teleserye. 

“Siguro if it’s the right project, lalo na ang drama, hindi muna sa drama. Parang hirap pa siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN