Talent manager Rams David defends Maine Mendoza against "lasengga, gimikera, malandi" issues

IMAGE Maine Mendoza Instagram

Rams David, Maine Mendoza's talent manager, has this to say about the phenomenal star: "Kung umiinom man siya e, alam naman niya kung ano ang limits niya. She goes out with friends. So, wala hong masama dahil yung bata, nagpapagod, naghihirap din sa trabaho, so bibigyan din natin ng oras para mag-dibersiyon."


Pagkatapos ipagtanggol si Maine kaugnay ng isyung pagtawag diumano ng fans nito ng “starlet” kay Jasmine Curtis-Smith, dinepensahan din ng talent manager na si Rams David ang Dubsmash Queen sa iba pang mga isyung ipinupukol dito.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza's manager appeals to Maine's fans for sobriety
Maine Mendoza's manager appeals to Maine's fans for sobriety

Pahayag ng presidente ng Triple A Management, “Gusto ko rin depensahan si Maine sa lahat ng issues na lumabas, not just this one.

“Ang daming issues… kesyo lasengga siya, pala-gimik siya, parang malanding babae, nag-e-entertain ng lalaki sa bahay niya.”

Karaniwang nanggagaling ang ganitong mga paratang sa netizens.

Pagsang-ayon ni Rams, “Yun nga, baka minsan nag-uudyok ang iba para pag-usapan ng negative, ‘no? 

“Una sa lahat, wala pong nakakaalam kung saan nakatira si Maine.

“Bibihira lang po. Mga kamag-anak lang niya, Nanay lang po, mga kapatid. At kaming mga taga-Triple A.

“At hinding-hindi niya ho gagawin yun na mag-entertain or magsama ng lalaki sa bahay niya.

“She’s a conservative girl. I don’t think magiging ganun siya ka-wild as a person.”

Dagdag niya tungkol sa 23-year-old phenomenal star, “Yes, walang masama, lumalabas siya with friends.

“Kung umiinom man siya e, alam naman niya kung ano ang limits niya. She goes out with friends.

“So, wala hong masama dahil yung bata, nagpapagod, naghihirap din sa trabaho, so bibigyan din natin ng oras para mag-dibersiyon.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rams sa isang restaurant sa Timog, Quezon City, noong April 20, Biyernes.

MAINE ON BASHERS. Minsan nang nagpahayag ng kanyang damdamin si Maine, sa pamamagitan ng open letter, kaugnay ng mga pangba-bash na natatanggap niya, pati na ng mga taong napapalapit sa kanya.

Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pamba-bash sa Eat Bulaga! mainstay.

Paano ito tinatanggap ni Maine?

Pag-amin ni Rams, “Nahe-hurt din siya.

“Kasi siyempre, yung bata, nako-confuse.

“'Saan ba galing ang mga ito? Bakit ba may mga trolls?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit ba may mga gusto siyang pabagsakin o pilit siyang sinisiraan na wala naman siyang ginagawa?”

Diin pa ng talent manager, “Wala siyang tinatapakan. Nag-e-exist siya as herself. Nagiging totoo nga yung bata, e. She has no pretension, none at all. 

“So, yun din ang ikinalulungkot ng bata.

“Saan ito galing? Sino ang nagsasalita, sino ang nagpapasimuno nito para siraan siya?”

Ayon pa kay Rams, minsan ay si Maine na mismo ang personal na nakikiusap sa fans.

“Kung minsan, nagpu-post siya, calling out sa mga fans to stop the hate and spread the love. 

“Ganun din kasi ang panuntunan ko, I really don’t like hating. I really don’t like bashing.

“Nakikita niyo naman, gumagawa ako ng effort sa sarili ko.

“Nagbe-beshie alert ako kasi I want the people to know who I am.

“Gusto kong makita nila na sino ba ‘tong Rams David na manager, ano bang klaseng tao ‘to? 

“Kasi nakikita nila na, baka akala nila, I’m just all for money.

“Siyempre, totoo naman, any business has a monetary exchange. But I’m not all for money. 

“Gusto ko, yung value ng money, yung value ng entertainment na naibibigay ng bata sa inyo, e, natutuwa kayo. 

“Yun ang mas importante sa amin, ang mapasaya ang mga manonood, lalo na yung mga followers ni Maine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN