Jaclyn Jose tries to convince daughter Andi Eigenmann to become a Kapuso

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza

Jaclyn Jose says her daughter Andi Eigenmann has become an environmentalist, and wants to save the Philippine beaches, particularly surfing spots Siargao and Baler.


“Nasa beach!”

Ito ang mabilis na sagot ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya ang anak na si Andi Eigenmann.

May impresyon kasing tila ayaw na ni Andi na mag-artista dahil kahit sa social media account nito, makikitang mga beach trip niya ang madalas na naka-highlight.

Sabi naman ni Jaclyn, “May interes siya, but priority niya yung bagets, e, si Ellie.”

Si Ellie ay ang anim na taong gulang na anak ni Andi sa dating boyfriend na si Jake Ejercito.

Patuloy ng Cannes-winning actress, “Of course, gusto niya, kung may offer.

“Freelancer na siya, e, wala na siya sa ABS-CBN.”

Hindi ba niya niyayaya ang anak sa Kapuso network, kung saan exclusive contract star si Jaclyn?

“Niyaya,” pag-amin ng veteran actress.

“Tingnan natin kung ano ang [desisyon] ng mga boss.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jaclyn sa press conference ng bagong prime time series ng GMA-7, ang The Cure, noong April 17.

A MORE MATURE ANDI. Ayon kay Jaclyn, gusto niya ang mga nakikitang pagbabago kay Andi ngayon.

“She matured a lot,” pakli niya.

“Yung thinking niya, masasabi mo na, you know, she takes care of herself, Ellie, and pati environment.  

“Pati yung pagiging environmentalist niya, saving the earth...

"Meron siyang advocacy. She wants to save the beach for that matter, particularly Siargao, Baler.

“Namumulot sila ng mga plastic.”

Nakatulong din ba ang pagla-lie low ni Andi sa showbiz sa nakikita niyang disposisyon ngayon ng anak?

Pagsang-ayon ni Jaclyn, “Oh, yes, yun talaga ang reason niya kung bakit siya nag-lie-low.

“Pero kasama niya si Ellie. 

“Ngayon, kasama niya si Ellie sa Baler.

“Parang she’s sobrang concerned on protecting the earth, lalo na sa [bansa] natin.”

Nahahawa na nga rin daw siya sa pagiging environmentalist ni Andi.

Ayon kay Jaclyn, “Hindi siya nagpa-plastic sa bahay, hindi siya nag-i-straw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pati ako, nahahawa na rin ako.

“Parang feeling ko, oo, tama si Andi.  

“Kung gagawin ng isa, malaki rin ang maitutulong nun, so she doesn’t use any—kahit plastic cups.

“Kapag bibili siya, like, sa drive-thru, ibibigay niya yung cup niya na may straw na.” 

JAKE & ELLIE. Kinumusta rin ng PEP.ph kay Jaclyn ang ama ni Ellie na si Jake Ejercito at relasyon nito sa kanila.

May panahong hindi maganda ang turingan nina Jake at Andi, kaya't pati si Jaclyn ay nadamay sa kanilang isyu. 

Ngayon ay kapansin-pansing madalas nagpu-post si Jake ng mga larawan nila ni Ellie sa Instagram.

Cleaned up good today

A post shared by Jake Ejercito (@unoemilio) on

“Okay na, everything is well,” sabi ni Jaclyn.

Bumalik na rin ba sa dati ang closeness nila ni Jake?

“Okey naman kami, time will come… hindi naman ako kasama sa tatlo, e.  

“Siyempre ang importante, sila muna.

“Kung okay sila ni Andi, siyempre okey ako dun, happy ako.”

THE CURE. Kung mayroon mang isang artista sa Kapuso network na hindi nababakante o saglit lang kung mapahinga, ito ay si Jaclyn.

Katulad ngayon, kabilang siya sa bagong prime time series na The Cure, na magsisimulang mapanood sa Lunes, April 30.

Kahit napakarami na raw niyang ginawang teleserye o pelikula, natsa-challenge pa rin daw siya, tulad ngayon sa The Cure.

Sabi ni Jaclyn, “Oo, challenging ‘to, kasi yung role, siya yung on top of everything, si Doctor Lazaro.

“Siya ang nag-invent ng cure, so nasa kanya yung kung anuman ang mangyari.

“Katulad niyan, pumalpak.

“Pumalpak ang inimbento niya.”

Hiningan din namin ng opinyon ang award-winning actress sa sinasabing malaking pagkakahawig ng kuwento ng The Cure sa isyu ng Dengvaxia vaccine sa bansa.

Naglabas ang manufacturer ng bakunang Dengvaxia na 10 percent sa mahigit 800,000 kabataang naturukan nito na hindi pa nagkakaroon ng dengue fever ay maaaring mag-contract ng "severe disease." 

Dahil dito ay itinigil ng gobyerno ang nationwide immunization program nito, at nagkaron din ng pagdinig sa Kongreso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinganggi naman ni Jaclyn na may koneksiyon ang storya ng The Cure sa isyu ng Dengvaxia.

Saad niya, “Hindi naman, hindi naman.

“Basta ang ano nito, naka-invent siya ng gamot sa sakit sa cancer.

“For two weeks, nag-work.

“Akala nila… after a while, nagkakaroon ng side effect, which is nagkakaroon ng rabid infection sa brains, sa organs, so parang nawawala sa sarili, nangangagat.

“Kapag rabid daw kasi, parang rabies ng aso, nauulol.

“Yun ang term.”

Nakikita naman daw niyang magugustuhan ng mga manonood ang bagong konsepto na hinahatid nila sa The Cure.

“Bago talaga ito sa TV,”  sabi ni Jaclyn


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN