Ara Mina says no to sleepovers with ex-boyfriend Mayor Patrick Meneses

IMAGE Noel Orsal

Ara Mina is so busy that she has no time for her love life. She is set to start taping for the soap Precious Hearts Romances: Araw Gabi, while still managing her pastry shop Hazel Berry and being a hands-on singe mom to her daughter Mandy.


In contact pa rin si Ara Mina kay Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses kahit hiwalay na sila.

Si Mayor Patrick ang ama ng anak ng aktres na si Mandy.

Wala na ba silang sweet moments ni Mayor Patrick kahit hindi na sila?

Sagot ni Ara, “Kahapon nagsi-selfie ako, nag-photo bomber siya sa selfie ko.

“Ganun-ganun lang. Wala namang balikan isyu.”

Walang direktang sagot ngayon si Ara sa kanyang dating statement na gusto niyang magkaanak muli kay Mayor Patrick bago siya mag-40 years old at kung sakaling wala pa siyang boyfriend sa mga panahong iyon.

Paliwanag niya, “If in case na parang nasa forties na tayo, teka, gusto ko namang may kapatid si Mandy, di ba?

“Pero ano lang yun, parang wishful thinking na biro.”

Sa hiwalay na interview ng PEP.ph kay Mayor Patrick, sinabi nitong willing syang bigyan uli ng anak si Ara at kapatid ang kanilang anak.


Stories We Are Tracking

Patrick Meneses willing to have another baby with Ara Mina
Patrick Meneses willing to have another baby with Ara Mina
Is Ara Mina willing to have another baby with Mayor Patrick?
Is Ara Mina willing to have another baby with Mayor Patrick?

Komento ni Ara, “Oo nga, pero hindi naman kami romantically involved.”

Itinanggi naman ni Ara na nag-o-overnight pa rin sa bahay niya si Mayor Patrick.

“Wala… walang sleepover,” giit niya.

“Kaya nga, yung love ko, ibinubuhos ko na lang sa pagbe-bake ko.

“Kaya pag tinikman mo yung cheesecake ko, malalasahan at mararamdaman mo yung love ko. ”

Sumuko na siya sa idea ng marriage?

Mabilis na tugon ng 38 year-old actress, “Sa akin, come what may.

“Kasi sa panahon ngayon, ang dami ring naghihiwalay.

“May mga friends ako na hindi tiga-showbiz na after twenty-two years, nauwi rin sa hiwalayan.

“If it’s meant for you, it’s meant for you.

“Feeling ko yung future husband ko parang hindi tiga-rito.”

Okey lang ba sa kanyang maging unmarried single mom?

Sagot ni Ara, “Oo, basta successful ang business ko and healthy ang anak ko, [saka] successful din ang career ko.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara matapos ang presscon proper ng Araw Gabi, Lunes ng tanghali, April 23, sa 9501 Resto, ELJ Building, ABS-CBN compound, sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO TIME FOR SUITORS. Pero mas lumiit and posibilidad na mag-entertain ng bagong suitor si Ara  ngayong may bago siyang teleseryeng gagawin.

Ito ay ang ABS-CBN soap na Precious Hearts Romances: Araw Gabi na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Barbie Imperial, mula sa direksiyon ni Ruel Bayani.

Hindi pa man nakakapag-taping ng kanyang scenes si Ara sa naturang soap, busy naman siya sa pagma-manage ng kanyang resto-pasty shop na Hazel Berry, at pagiging hands-on mom sa anak niyang si Amanda Gabrielle o Mandy.

Mismong si Ara na rin ang nagsasabing wala talaga siyang panahong mag-boyfriend.

“Kasi growing siya [business] at ayaw kong mapabayaan,” bungad niyang pahayag.

“Aminin na natin na sa lahat ng mga naitayo kong businesses, eto yung nag-clik.

“Pakakawalan mo pa ba na ang daming good reviews?

“ROI [return of investment] na ako, bumalik na ang puhunan ko.”

Ayon pa kay Ara, ready for expansion na ang Hazel Berry.

“Maglalagay na ako ng isa pang branch sa Alabang.

“Kasi meron na ako sa QC. Ang daming nagpupunta sa aking tiga-South, e.

“So, lots of people [are] requesting me na, 'Please, magtayo ka dito sa South.'”

Patuloy niya, “Nakakita na ako ng puwesto, done deal na.

“I signed the contract na, mag-i-start na kami ng pag-aayos.

“It’s [in] a lifestyle mall, sa Madison Galleries, sa Alabang.”

Puno raw ang schedule niya kaya 't hindi niya maisisingit ang buhay pag-ibig.

“Wala talaga akong time,” aniya. 

“Yung baking time, yung oras ko kay Mandy, yung work pa, tapos magti-taping pa ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN