Director Jun Lana expresses dismay over stars, managers who treat films as "raket lang"

IMAGE Noel Orsal

Director Jun Lana on some stars and managers: "Ang kakapal naman nating mag-demand sa audience na maglabas ng pera para sa mga pelikulang raket lang para sa atin."


Naglabas ng saloobin ang direktor na si Jun Lana tungkol sa hindi umano kanais-nais na kalakaran ngayon sa showbiz, partikular na sa mga artistang gumagawa ng pelikula.

Sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes, April 26, nabanggit ni Direk Jun na may mga artistang tila raket lang ang turing sa paggawa ng pelikula.

Aniya, “Eto ang kalakaran sa showbiz: pumayag ka na sa cut-off at working hours limit, hihiritan ka pa kung pwedeng irelease agad ang alaga nila sa shoot dahil may ibang raket pa sila.

“Kung may katiting tayong professionalism sa mga katawan natin, mahihiya tayong sabihing raket lang ang paggawa ng pelikula.

“Kaso ganito kagarapal ang showbiz.”

Iniugnay rin niya ang ganitong kalakaran sa hindi magandang kinalalabasan ng ilang pelikula.

Pahayag ni Direk Jun, “Tapos nagtataka tayo kung bakit hindi kumikita ang mga pelikula natin ngayon?

“Mga pelikulang hindi naman talaga pinagbuhusan ng panahon at niraket lang?

“Ang kakapal naman nating mag-demand sa audience na maglabas ng pera para sa mga pelikulang raket lang para sa atin.”

Sa post na ito, walang anumang tao o proyektong binanggit ang direktor.

Ngunit mapapansin na sa mga komento, karamihan ay sang-ayon sa naging pahayag ni Direk Jun.

Sabi pa ng isang netizen, “Ang paggwa ng pelikula ay hindi basta raket lang. Sana nagtrabaho ka na lang sa perya.”


Kasalukuyang ginagawa ni Direk Jun ang pelikulang Ang Babaeng Allergic sa WiFi.

Ito ay iprinodyus ng The Idea First Company, na pag-aari ni Direk Jun at ng partner nito at kapwa direktor na si Perci Intalan.

Bida sa Ang Babaeng Allergic sa WiFi ang Star Magic talents na sina Sue Ramirez, Jameson Blake, at Markus Paterson.

Walang signal. Walang WiFi. Walang istorbo. #angbabaengallergicsawifi

A post shared by Jun Robles Lana (@junrobleslana) on

Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Jun sa pamamagitan ng direct messaging sa Twitter upang hingan ng paglilinaw sa kanyang post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay wala pang sagot ang direktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN